Kabanata 1

27.4K 588 41
                                    


Kabanata 1

First day

Maaga akong pumasok para sa unang klase, kailangan kong imonitor ang campus dahil unang araw ngayon. At gusto ko ring unahan si Johansson sa pag-pasok para kahit papaano ay maunahan ko siya kahit sa attendance man lang.

Pumara ako ng taxi pagkalabas ng subdivision namin, mabuti na man at hindi na ako pinilit ni Mom na magpahatid.

Pagkababa ng SCSU ay agad kong tinahak ang Student Council room para isulat sa attendance list na ako ang nauna pero laking gulat ko nung makita si Johansson sa upuan nya, may laptop sa harap nya. Agad lumingon nung nakita ako at nginitian.

"Good morning." Simpleng sabi niya ng may ngiti sa labi pero inirapan ko siya . Walang good sa morning lalo na't naunahan nya ako sa pag pasok

"Ang aga mo ata?" Tanong niya habang naka-focus pa rin sa laptop n'ya ang titig n'ya

"Para unahan ka but unfortunately, heto ka at sinasira ang magandang araw ko." 'di ko maiwasan ang pait sa boses

Ngumisi siya at sinulyapan ako saglit bago tinuon ulit ang atensyon sa laptop nya. Muli, umirap ako at lumapit sa electric fan na naka-patay at binuhay iyon.

Basa ang buhok ko dahil wala akong oras patuyuin iyon dahil nagmamadali akong pumasok. Pinatuyo ko iyon sa harap ng nakasinding electric fan at hindi na sinulyapan muli si Zeeyan

"So what are the plans?" Tanong ng sekretaryang si Nick

"We will assign some officers sa bawat gate ng University. Nick," tinuro niya si Nick "and Anthony will be on a booth where freshmen can ask you questions. At ikaw," hinarap niya ako "both of us will stay here to fix some things" napataas ako ng kilay, kaming dalawa lang? At bakit dito lang kami?

"We have to fix things for the office na kailangan ng mamayang hapon. So if you don't help me here ay malalagot tayo sa Dean." Aniya at sinenyasan na pwede ng umalis sila habang ako ay nakasimangot ng hinarap ang laptop.

Gusto kong makita ang mga freshmen at mga transferee. Lalo na't gusto kong makita ang mga mayayabang na Grade 10, yung mga matapobre at siga na akala mo myembro ng fraternity kahit high school pa lang sila

Pero tama ba ang narinig ko? He needs me to help him? For the first time narinig niya iyon galing sa bibig niya and God knows that it's music to my ears!

Inayos niya ang mga papeles na galing sa kung kani-kanino. Tumingin muna ako sa bintana kung saan tanaw ko ang buong campus para masiguradong maayos ba ang nangyayari sa labas

Madali lang ang binigyang trabaho ni Johansson, basahin at unawain ang bawal pirasong papel at kung nagustuhan ang suggestion ay itatabi tska na lang paguusapan

"Bakit pa ako ang isinama mo dito? Gusto kong makita ang mga freshmen e." Sabi ko, pinagpapatuloy parin ang ginagawa

"Mas effective at safe kung sila ang naka-assign dun." inirapan ko siya. Anong ibig niyang sabihin doon? Na panggulo lang ako doon? Grr...

"At ayoko ng tahimik kapag nag tatrabaho kaya ikaw ang sinama ko dito." inirapan ko ulit siya,talagang sinasabi niyang maingay akong tao!

Maya-maya pa ay bumaba na kami dahil may programme na inihanda para sa students. Nag salita si Johansson para iremind ang mga rules and regulations ng school, pagkatapos niya at nagpalakpakan ang mga estudyante at yung iba ay parang nanghang mangha sa kakisigan niya. Tss, lalo lang lalaki ang ulo n'yan kaya 'wag kayong mamangha! Grr... Ibinigay niya sa akin ang mic para ako na ang magsalita

"Hi Guys! I'm Tiara Tyson, the vice president of the Student Council. Ako ang magtatanggol sa inyo against bullies kaya magsabi lang kayo sakin kapag may problema. The Student Council room is open for you." sabi ko at pumalakpak sila. Humiyaw ang mga grade 10 na mga lalaki at pinandilatan ko sila ng tingin

SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon