Kabanata 55Johansson's heir
"This will be your school." rinig kong sabi ni Johansson nang lumabas ng sasakyan. Kasama namin ang dalawang bata, busy si Ate Xena kaya naisipan naming kunin si Dior para ipakita sakanila ang magiging eskwelahan nila.Mahirap na dahil ito ang unang beses nilang papasok, kailangang maging komportable sila sa environment kaya dinala namin sila. Mukhang wala namang problema dahil manghang-mangha sila at nagtanong pa kung papasok na ba sila bukas!
For Johansson, he said he wanted to drop us off before going to work pero nang tinatanong ko siya ulit nang tuloy-tuloy kami sa loob ay sinabi niyang hindi naman kailangang nandoon siya sa meeting mamaya.
"Mommy will just get your uniforms, okay? Yaya Percy and Yaya Rose are just there." lumuhod ako sakanila at tinuro ang dalawa sa may bench.
"Okay!" si Dior habang si Lauren naman ay ang mata ay nasa slides kaya pinakawalan ko na sila.
"Nagpaalam kana?" naramdaman ko ang kamay ni Johansson sa bewang ko bago ako hinawakan sa kamay.
"Yup, this way diba?" hindi ako makatingin sakanya. Bakit ganoon? Hindi ako masanay-sanay sa kung ano kami ngayon. Ang hirap i-sink in na kasama na namin siya. It was just a glimpse of "what ifs" at ngayon, live ko na siyang nakikita at na-e-experience.
"Please announce that I won't attend the meeting, Dad will be there right? I'll call him to have lunch tomorrow." biglang nanlaki ang tenga ko at hindi na pinansin ang mga intragang naggwapuhan sakanya.
"Hindi ka papasok?" tanong ko ulit nang tumabi ulit siya sa akin. Umiling siya at sinundan ng tingin ang kamay kong nasa braso na pala niya. Agad ko iyong binawi pero mabilis naman niyang kinuha iyon at binalik sakanyang braso
"Nothing important meeting for today, Dad is there so there's no need for me there."
"Brent?" napatingin kami sa babaeng tumawag sakanya. May hawak siyang bata pero agad niya itong binigay sa helper at mabilis na lumapit sa amin.
"Paula." tumayo si Johansson at nakipagbeso sa babae.
"Oh! Are you here for your brother? I heard about your brother, is he okay?" tuloy na tuloy na sinabi ni Paula
"He's doing fine. I'm with my family." kumunot ang noo ng babae at tumagilid ang ulo.
"Family?"
"This is my fiancee, Tiara. Tiara, this is Paula, college friend."
"Oh! Mukhang hindi ako na-inform tungkol dito. Hi! I'm Paula, my husband and I are his college friends." tumango ako sa bagong impormasyong nakuha. Simula pa noon ay kahit na lagi kaming magkasama ni Johansson dahil sa student council but I never see him hang out with other guys. And now, hearing all these stories from Paula made me feel how foreign Johansson is to me.
Tumingin ako kay Johansson sa parte kung saan kinukwento ni Paula ang tungkol sa pagpaparty nila every thursday or friday night.
"I was convinced that Brent is a genius when we get wasted and there's a surprise pre-test the next day in one of our majors! He got a perfect score! Samantalang wala man nakalahati sa amin sa klase." she giggled and try to behave her son, running around us.
Tumango ako, aware sa kung ano ang kakayahan ni Johansson sa pag-aaral. But I think he's more genius in business, seeing how well their businesses are doing right now.
She asked about our relationship kaya nasabi ko sakaniya na ex-boyfriend ko si Johansson at umalis akong buntis.
"What? Hindi mo sinundan? How dare you!" tinuro niya si Johansson at pabirong sinuntok sa braso.
BINABASA MO ANG
SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2
Teen FictionSt. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson