Kabanata 25Sick Again...
Nagising ako dahil sa lamig, narinig ko ang boses ni Maxxine na mukhang natataranta na. Mabilis akong umupo at napagtanto kong nasa clinic ako. What happened?
"Tiara! Bakit ka bumangon?" natatarantang sabi ni Maxxine at pilit na tinulak ako para makahiga ulit. Umiling ako at tinanggal ang kanyang kamay sa aking balikat.
"Anong nangyari?" tanong ko at tinignan ang paligid, it's just me, Maxxine and some of the nurses inside.
"Sobrang taas ng lagnat mo kaya ka nahimatay! Sabi na nga ba't may mali sa'yo kanina."
"Ikaw ang nagdala sa akin?" tanong ko. Where's Nick? Siya ang huling kausap ko bago ako tuluyang mahimatay.
"Si Zeeyan! Sino pa nga ba?" I was hoping to hear Nick's name but... Nevermind.
"Speaking of Zeeyan, tatawagin ko muna iyon para ibalita na gising kana." agad kong hinawakan ang kamay nya para pigilan sa kung anong gagawin nya
"No... I don't want to see him." ilang segundo nya akong tinignan, nag-iwas ako ng tingin.
I want some time to be alone, kung maaari lang ay ayokong marinig ang pangalan nya. I just want to rest from all of these.
Sa huli ay tumango sya at umupo sa dulo ng kama ko.
"Do you want anything? Soup? Water?' umiling ako, I need blanket. Itinuro ko sakanya ang blanket na nasa paanan ko, mabilis nya itong kinuha at binigay sa akin. Tumingin ako sa orasan ng clinic at nakita kong alas dose na ng hapon. Hapunan na pero hindi ako nagugutom, mas nararamdam ko pa ang sakit ng aking katawan.
"You should eat, Maxxine. Puntahan mo sina Bianca, I'm fine here." sabi ko at tinakluban ang sarili ko ng kumot.
"How about you? I can't leave you here, Tiara. The nurses called your parents to fetch you here because of your condition."tumango ako at pinikit ang mata ko "For God's sake, eat something. Hindi ka pa nakakainom ng gamot kasi tulog ka at kailangan mong kumain bago mo gawin iyon
Ngumuwi ako. I'm not sure if Maxxine Morales is my friend, right now she sounds like a Mom to me. Tumango na lang ako at bumangon para tabihan nya. I don't want to eat anything kaya ieentertain ko na lang sya hanggang sa dumating ang magsusundo sa akin.
Ilang minuto ang nakalipas ng makita ko si Mommy sa pintuan ng clinic, she hurriedly come to me and hug me.
"Are you okay, darling? May masakit ba sayo?" tanong nya at hinawakan ang ulo at leeg ko.
Umiling ako "I'm fine, Mom." nilipat ni Mommy ang tingin kay Maxxine na nasa gilid ko
"Thank you for taking care of Tiara, Maxxine."
"Anytihing for Tiara, Tita." may pinirmahan si Mommy sa desk bago kami lumabas ng clinic.
Pagkalabas namin ay iyon naman ang pagpunta ng mga kaibigan ko sa clinic, mabilis nila akong dinaluhan at tinanong kung okay na ba ako. Tumango ako sa kanila at nagpaalam na dahil naghihintay si Mommy sa aking likod.
"Dadalawin kita mamaya pagkatapos ng klase." sabi ni Maxxine bago ako pumasok ng sasakyan, tumango ako at kinawayan silang lahat.
Medyo nawala ang sakit ng ulo ko pero nanlalamig naman ako ngayon, hindi ko rin maitatanggi na mainit ang buong katawan ko.
"What do you want to eat? Ipagluluto kita." sabi ni Mommy, bahagya akong napangiti doon. I love her masterpiece. Although ang Filipino food lang na kaya nyang gawin ay adobo at sinigang, which are both delicious.
BINABASA MO ANG
SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2
Genç KurguSt. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson