Kabanata 14

10.8K 344 17
                                    


Kabanata 14 

Sorry

It's Saturday, gagawa kami ng thesis sa bahay nila Johansson kasama si Maxxine, susunod na lang daw s'ya mamaya dahil may pinuntahan daw s'ya. May hinala ako kung sino ang kasama n'ya pero hindi ko na s'ya kukulitin tungkol doon, I'll just wait for her to tell me about them.

Nagpaalam ako kaninang umaga kina Mommy na gagawa kami ng thesis nina Maxxine, nasa office silang dalawa kaya naiwan akong mag-isa.

Kinatok ako ni Manang Lucy at sinabing nandito na daw si Johansson.

"Papasukin mo muna, Manang!" sabi ko, nagmadali akong nag-suklay at nagpabango. I'm wearing a black halter top and white maong shorts, sinuot ko ang white sneakers na may check sa gilid

Kinuha ko ang laptop ko sa kama at nilagay iyon sa aking bag kasama ang ilang handouts para sa thesis namin. Pinasadahan ko muna ng tingin ang mukha ko bago nagdesisyong bumaba.

"Let's go?" tanong ko kay Johansson nang nakita ko s'yang nakaupo sa sofa. He looks so damn good with his white longsleeves and skyblue shorts

Umigting ang panga n'ya at tumango na lang, anong problema n'ya?

Binalewala ko na lang ang reaksyon n'ya at dumiretso na lang ako sa kanyang MUX, nakita ko s'yang umiiling-iling habang papasok sa kanyang sasakyan.

"May ka-groupmate na ba si Austin?" tanong ko nang maalala kong wala si Austin noong nag-groupings kami para sa thesis and at the same time gusto ko rin silang pagbatiin.

"I don't know, Tiara. Bakit hindi s'ya mismo ang tanungin mo? Tutal mukhang may gusto naman kayo sa isa't isa." malamig na sabi n'ya habang nakatingin sa kalsada

"What? No!" umirap ako. I'm just trying to restore their friendship

Simula noong alitan nila ni Austin sa classroom ay lagi na s'yang masungit lalo na kapag tinatanong ko s'ya tungkol kay Austin kaya in the end, titigil ako sa pagtanong. No one wants a grumpy Johansson here.

"Give your friendship a second chance, Johansson. That was years ago for Pete's sake!" bulyaw ko, that was my last shot. Tumigil na ako sa pagsalita at tumingin na lang sa mga sasakyan sa labas.

"We're civil, Tiara. Don't push your luck. Bili muna tayo ng pizza." aniya kaya imbes na lumiko kami sa kanilang subdivision ay tuloy tuloy s'ya papunta sa pinakamalapit na mall.

"Wear this." sabi n'ya at hinagis ang isang itim na jacket na kinuha n'ya sa backseat.

Mabilis kong pinagsadahan ng tingin ang jacket na binigay n'ya habang s'ya naman ay agad na lumabas ng sasakyan.

Umupo ako at hinayaan s'yang pumila habang pinagtitinginan ng mga tao sa loob ng Domino's. May ibang nakakakilala sakanya pero hindi nagtangkang kausap s'ya, siguro alam nilang hindi sila papansinin. Typical, Johansson. Tsk tsk.

Inamoy ko ang jacket na binigay n'ya, it smells just like him. Pumikit ako at inamoy pa lalo ang jacket sa aking katawan, I smell like him.

Minulat ko ang mata ko dahil sa tunog ng aking phone at una kong nakita ang titig ni Johansson sa akin, nakangisi s'ya at alam kong nakita n'ya ang ginawa kong pag-amoy sa kanyang jacket! Dammit!

Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin. Nilabas ko ang phone ko para sa bagong dating na mensahe at para na rin maiwasan ang sarili kong tignan ulit s'ya.

Ilang beses akong nag-mura sa utak ko bago buksan ang mensahe ni Maxxine

Maxxine Morales:

Mamayang hapon ako pupunta kina Zeeyan.

SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon