Kabanata 3

16.5K 428 37
                                    

Kabanata 3

Messages

"Johansson!" tawag ko sakanya, nasa parking lot na kami ngayon at hawak hawak na niya ang kanyang susi

Nilingon niya ako at umiling bago pumasok sa kanyang MUX, tumigil ako sa paghabol sakanya.

Anong problema niya?

Tinalikuran ko siya at naglakad pa balik. I get it, he's not used to this kind of event or party, yung tipong crowded at random ang mga tao. He prefer tuxedos and long dresses.

Napatalon ako ng biglang may bumusina, nilingon ko iyon at nakita ko si Johansson na mabagal ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan sa aking likod na tila sinusundan ako.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya, liningon niya ang orasan ng kanyang sasakyan "It's already eight, susunduin ka ba? Text him ako na ang magsusundo sayo." tinutukoy niya ang driver na laging sumusundo sa akin

Umiling ako "I can't leave the event, ilang minuto na rin at matatapos na."

"Okay, I'll wait." sabi niya at tinabi ang kanyang sasakyan

"Huh? Hindi mo na ako kailangang hintayin." sabi ko

Nakakapagtaka kasi hindi naman talaga siya nag-iinsist na sunduin ako, madalas ay taxi o sinusundo ng driver. Siguro gabi na at delikado dahil maraming tao dahil sa event.

"I'll wait." ulit niya, nagkibit balikat na lang ako

Gaya ng sinabi ni Johansson, tinext ko si Manong na may maghahatid na sa akin pauwi. Bumalik ako sa pwesto namin kanina, nakaupo doon si Maxxine at may kausap na classmate namin sa isang subject.

Nang nakita niya ako ay tinapik niya ang kanyang tabi para doon ako umupo. Umupo ako sa tabi nya at hinayaan syang makipag kwentuhan sa kaklase namin tungkol sa fashion show na sinasalihan nila.

Tumayo ako nang makita ang secretary na si Nick, na kaibigan rin namin.

"Staff na daw ang bahala sa lahat at sina Adrian na ang sisiguradong wala ng estudyante pagsapit ng 10 PM kaya pwede na tayong umalis!" maligayang sabi nya at bineso kaming dalawa ni Maxxine bago umalis.

"Aalis na rin ako." sabi ko kay Maxxine, natigilan siya sa pagsalita at tinuon ang buong atensyon sa akin

"Nandiyan na ang magsusundo sayo?" tanong nya na hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o ano

"Oo sana kaso nagpresinta si Johansson na sya na daw ang gagawa nun." sabi ko, ngumisi sya at tumango na lang at pinakawalan na ako

"Oh, ang bilis naman ata." sabi nya nang binaba nya ang bintana ng sasakyan nya.

"Yeah... Staff na lang daw ang bahala." sabi ko nang nasa loob na ako.

Naamoy ko agad ang amoy ng kanyang sasakyan. I don't know if it's from an air freshener or his scent but it's manly and clean... Hindi ko maiwasang punain iyon.

"I don't know you're into party." biglang sabi nya nang tumulak na ang kanyang sasakyan, nag-flex ang muscle ng kanyang braso ng inikot niya ang manubela

"Huh?"

What a stupid question, Tiara! I heard his question but I'm too shocked to answer it quickly.

"I never thought you like parties." sabi nya nang nakatingin sa kalsada kaya nagkaroon ako ng pagkakataong tignan kung seryoso ba sya sa tanong nya.

Walang emosyon ang kanyang mukha, he's just simply starring at the road.

"Uhm, it's just an event and I want to enjoy it." sabi ko at nagkibitbalikat. Besides this is our last year here, Grade 12 na kami at graduating na kaya sinusulit ko ang lahat.

SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon