Kabanata 10

11.5K 474 89
                                    




Kabanata 10

Sick

Hindi ko alam kung nakatulog ba ako kagabi o kung nakatulog man ako ay wala iyon ng isang oras. Nagising ako na mabigat ang mata ko at medyo masakit ang ulo ko.

Napatingin sa akin si Ate nang pumasok ako ng kusina, dumiretso agad ako sa table kung saan may mga pagkain na luto ni Manang Lucy.

"Expect ko naman glooming ka ngayon kasi hinatid ka ni Zeeyan." sabi ni Ate bago sumubo ng pagkain. Tinignan ko s'ya ng matalim

"Ang lalim ng eyebags mo! Mag makeup ka mamaya para hindi mahalata." sabi n'ya, umiling na lang ako dahil masakit parin ang ulo ko

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako para maligo at magbihis. Wala ako sa sarili habang palabas ng bahay, sinabihan ko ang guard kanina na kailangan ko ng taxi kaya agad sakay na ako nang nasa taxi na ako.

"Kuya, sa SCSU lang po." sabi ko sa driver

Kung nasa sasakyan lang ako ay kanina pa masarap ang tulog ko pero dahil nasa taxi ako at delikado ay tiniis ko ang dalawampung minutong byahe.

Lutang ako habang naglalakad papasok ng school, ni wala akong pakielam sa mga estudyanteng napapatingin sa akin. Diretso ako sa classroom at hindi sa SC room, hope that they'll not discuss something important without me.

Napahawak ako sa ulo ko. Damn, my head hurts like hell.

Pinatong ko ang ulo ko sa dingding na nasa gilid ko at pinikit ang aking mata. Sana naman mawala itong sakit ng ulo ko kapag umidlip ako ng sampung minuto.

"Tiara?" napadilat ako sa tumawag sa akin

"Ang aga mo palang pumapasok." sabi ni Austin na nasa harap ko ngayon

Pumikit ako ng pariin nang naramdaman ang sakit sa ulo ko, damn... Ni hindi ko ginalaw ang ulo ko sa pagkakasandal sa pader.

"You okay? You don't look fine." sabi n'ya, tumabi na s'ya sa akin

"I'm fine." sabi ko at umupo ng maayos. Pinilit kong ayusin ang ekspresyon ko para walang makapansin na hindi maayos ang pakiramdam ko

"You sure? May masakit ba sa'yo? I can take you to the clinic." sabi ni Austin at hinawakan ang braso ko

"What's the problem here?" hindi ko na nilingon ang boses na 'yun, it's already eight o'clock at tapos na ang meeting sa SC room

"I think Tiara's sick. Gusto mong samahan kita sa clinic?" sabi n'ya sa akin, umiling ako.

Ayokong maka-miss ng kahit na anong lesson lalo pang major ang first subject. This is just headache.

Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Johansson sa akin, agad ko iyong hinawi.

"It's just a headache."

"Let me take her to the clinic." sabi n'ya at hinawakan ang kamay ko

"No, Johansson..." sabi ko at binawi ang kamay ko sakanya bago n'ya pa ako hilahin

"You're burning for Pete's sake! Is this the reason kung bakit hindi ka nakapunta sa meeting kanina?" tanong n'ya, may halong galit sa tono ng boses n'ya

"I'll just talk to Nick about the meeting. Just let me rest habang wala pa si Sir." sabi ko. Narinig ko ang bugtong hininga n'ya at hindi na ulit s'ya nagsalita, siguro pumunta na sa upuan n'ya.

"You don't need anyone as long as I'm here." napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi n'ya, buong akala ko ay umalis na s'ya.

Nakaluhod s'ya sa harap ko at nakatingin ng seryoso sa akin. He touched my knees at napatingin ako doon.

SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon