Kabanata 47

10.8K 292 115
                                    

Kabanata 27

Acceptance

Maaga akong nagising para sa unang araw ko sa trabaho, tulog pa ang dalawa at sa tingin ko ay hindi na nila kami maabutang umalis. Sinabihan ko naman si Lauren tungkol sa trabaho ko at gusto niyang pumunta doon at sumama sa akin pero sinabi kong sa susunod na araw na lang kapag hindi busy.

Sinadya kong tagalan ang pagbihis ko dahil alam kong naguusap na ngayon sina ate at ang aming magulang tungkol sa desisyon niyang pagsabi kay Kuya Carreon about kay Dior.

I feel happy for her pero hindi rin matanggal ang kaba ko. Paano kapag hindi handa si Kuya Carreon na magkaanak? What Tito and Tita would feel if they knew it's their grandson? They are our family friends, magagalit ba sila sa amin o iintindihin nila ang desisyon ni Maxxine?

Hindi ko maiwasang ikumpara ang buhay ko kay Ate, kung anong nararamdaman niya ngayon at kung gaano siya natatakot sa magiging resulta ng desisyon niya.

At least she's brave enough to face the truth samantalang ako at tinatakasan ko.

I wore a white off shoulder dress that is hugging my body and paired it with cream stilettos. I put a light make up and fixed my hair to define its curls.

Nasa hagdan pa lang ako ay rinig ko na ang tawanan sa baba at alam ko na agad na ayos na ang problema.

"Oh kamusta ate?" Ngiti-ngiti akong pumasok sa dining room kung saan sila naguumagahan

Ngumiti siya sa akin at nag thumbs up. Pumalakpak ako at naexcite sa birthday ni Dior!

"Mauuna na kami, Maxxine tell your sister about your plans about Carreon." Sabi ni Mommy. Isa isa namin silang hinalikan at panay ang pasasalamat ni Maxxine sa kanila

"Dad is against it but he have to know that my son needs a father and his father needs to know about his son. I can't hide Dior here forever, eventually magtatanong iyon at aalamin ang tungkol sa ama niya. Ayokong iyon ang magiging dahilan nang pagkamuhi niya sa akin."

"What if Carreon is not ready to become a father?" Hindi ko maiwasang hindi magtanong.

"He is already a father, he has no choice but to accept Dior as his son. I hope na matanggap niya si Dior kahit na ang kapalit noon ay pagkamuhi sa akin. I am doing this for our child, for Dior. Kahit masaktan ako basta magiging masaya ang anak ko, ayos na ako."

Niyakap ko siya, I am so proud of her. For being this brave and selfless.

"He will understand it, for sure. Kuya still loves you. He will be shocked, yes but he will eventually accept it." I comforted her with words that also I should accept

I can imagine Johansson's face as I tell him about his daughter, how disappointing he will be to know that his own child doesn't know him for four years and how angry he may be if he figure that I kept it a secret.

His love for me might fade because of this and anger will coincide.

Nagpaalam nang umalis si ate dahil may meeting siya with some suppliers. Habang kumakain ay iniisip ko kung ano ang gagawin ko mamaya sa opisina.

I am under the food and beverages since may alam ako doon because of my major, hindi katulad sa building na dapat may alam sa engineering and construction. While Ate Xena is the Chief of Finance officer, I want to start from the bottom kaya tinanggihan ko ang offer nila sa mataas na posisyon.

I am a fresh graduate and I want to experience first our employee's hard work before taking care of them.

"Good morning Ma'am Tyson." Bati sa akin ng guard pagkapasok ko, ngumiti ako sakanya at hinanap ang elevator ng building

SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon