Kabanata 15
Johansson Group
Dalawang araw na ang lumipas nang hindi kami nag-uusap tska lang kapag tungkol sa meeting ng Student Council.
Pabalik-balik ang tingin sa amin ni Maxxine, nanatili ang tingin ko sa librong binabasa at hinayaan s'ya sa kung anong iniisip n'ya.
Nandito kami ngayon sa library para sa susunod na chapter ng aming thesis. Nagbabasa ako ng mga resources na related sa topic namin habang si Johansson at Maxxine naman ay laptop ang gamit.
Naririnig ko madalas ang maingay na pagpindot ni Johansson sa touch pad button ng kanyang laptop at kasunod noon ay malalim na bugtong hininga, madalas napapatingin si Maxxine sakanya kapag ginagawa n'ya iyon.
"I need your researches now." sabi ni Johansson nang ilang minuto ang nakalipas, tumikhim ako at binigay kay Maxxine ang papel na pinagsulatan ko ng aking research.
Nagtaka si Maxxine sa ginawa ko at hindi ko alam kung bakit, masama bang ibigay sakanya ang research ko para pagsamahin na lang n'ya at ibigay kay Johansson?
Nagkibitbalikat na lang s'ya at binigay kay Johansson ang papel ko kasama ang kanyang flashdrive, kinuha iyon ni Johansson pero ang tingin ang nasa akin. Inayos ko ang gamit ko at niyaya na si Maxxine umalis, tumango s'ya at inayos na rin ang gamit.
"Mauna na kami, Zeeyan." sabi ni Maxxine at tinuro ako, na para bang ako ang may kasalanan kung bakit namin iiwan si Johansson
Tinignan ako ni Johansson at alam kong naghihintay n'yang magpaalam ako sakanya, nginitian ko s'ya at hinila na si Maxxine na ngingiti sa gilid ko.
"Ano bang meron sa inyo? World war 3?" tanong n'ya habang nagalakad kami sa hallway
Umiling ako, Maxxine have her problems at ayokong madagdagan iyon dahil sa problema ko. It's not a big deal anyway, I was just offended on what he accused me.
Pagkapasok namin sa classroom ay nadatnan namin sina Karlie, Shaira at Bianca kasama ang iba naming kaklase na nakatipon-tipon sa gilid at mukhang sinasagutan ang assignment na binigay kanina sa Algebra, it's a difficult assignment kaya siguro nagtutulungtulungan sila para sagutin iyon.
"Tiara!" tawag sa akin ni Karlie nang nakita n'ya ako sa may pintuan, ngumiti ako at nilapitan sila
"Turuan mo naman kami dito, oh? Ang hirap kasi ng pina-assignment ni Ma'am, eh hindi pa 'to natuturo." sabi ni CJ sabay kamot sa ulo
"Sure, try ko lang kasi wala rin akong alam dito." natatawang sabi ko at umupo sa tabi ni Bianca
Higit walo siguro kaming nagtutulungan sa assignment habang wala pa si Ma'am. May mga items na sila na mismo ang nag-sosolve kaya tuwang-tuwa ako lalo na kay CJ at Mark na madalas hindi gumagawa ng assignment.
Kumunot ang noo ko habang tinitignan ang last na item, this one is the worst. I don't know where to begin with, kung titingin ako sa pdf sa aking Ipad ay makukuha ko iyon.
Tatayo na sana ako para kunin ang Ipad na nasa assigned seats ko pero nakita ko si Austin na nasa likod ko at nakatingin sa aming ginagawa. Nang nakita n'yang nakaharap ako sakanya ay ngumiti s'ya sa akin at binalik ulit ang tingin sa aming assignment
May sinabi s'ya na sa tingin ko ay ang sagot, nang nakita n'ya ang pagtataka sa aming mukha ay natawa s'ya at umupo sa tabing upuan ko.
Biglang na-excite ang mga kaklase namin dahil hindi daw nila expect na matalino itong si Austin. Well, kahit ako nagulat ako na magaling s'ya sa Math.
BINABASA MO ANG
SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2
Teen FictionSt. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson