Kabanata 11

11.4K 349 22
                                    


Twitter: deliixxWP

Kabanata 11

Unexpected Guess

Kahit na masama ang pakiradam ko ay hindi parin ako makatulog. Paano ba naman ako makakatulog kapag nag-e-echo sa utak ko yung sinabi ni Johansson?

I'll enter this room when you tell me you love me

"What the hell?!" sigaw ko sabay takip ng unan sa mukha ko

What the hell does that mean?! Kung biro lang n'ya iyon at gusto lang n'ya akong pagtripan pwes hindi ako natutuwa!

Ni hindi ko nga alam kung seryoso ba s'ya o hindi dahil kapag nagbibiro s'ya ay seryoso parin ang ekspresyon n'ya. Yung tipong kahit na yung pinakanakakatawang joke ni Nick ay hanggang ngiti lang ang kaya n'yang ipakita. Paano kung malaking biro lang ito sakanya? Na kaibigan n'ya ako kaya caring at sweet s'ya?

Kinatok na ako ni Manang para dalhan ako ng pagkain para sa hapunan nang hindi ako nakatulog, kanina pa ako nawala ng pag-asang makakatulog pa ako ng mahimbing dahil sa sinabi ni Johansson.

Pinilit kong kainin ang lugaw na hinanda ni Manang at habang kumakain ay nakatanggap ako ng ilang mensahe kaya nilapag ko muna ang bowl sa nightstand pagkatapos ay hinanap ko ang phone ko

Maxxine Morales:

Are you okay? Pupuntahan kita mamaya after class :)

Kumunot ang noo ko nang makita ang mensahe ni Maxxine. How come she can text me? Bawal ang phone kapag class hour, lalo na kapag oras ni Sir Magdangal

Ako:

Medyo okay na, thank you kanina :) Nasaan ka?

Kumain ako habang naghihintay sa reply n'ya at nang tumunog ulit ang phone ko ay agad ko iyong pinulot sa kama

Zeeyan Johansson:

Did you have your rest?

Halos matapon ko ang phone ko sa nabasa ko.

Sa lahat ba naman ng tao ikaw pa itong magtatanong kung nakatulog ako!? Pwes hindi! Hindi ako nakatulog dahil sa sinabi mo!

Ako:

Yup

Bumugtong hininga ako at tinapon ang phone sa kama. I'm helpless, no one will help me to prevent my feelings for this guy. I'm afraid that if I take his words and actions seriously, I might end getting hurt so bad without noticing it.

Nakatulog ako pagkatapos ng isang oras na pagkakatunganga sa kisame at nagising na lang ako ng may humawak sa noo ko

"Jo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko si Maxxine na nakaupo sa gilid ko

Akala ko s'ya...

"You still have fever." iling ni Maxxine at may nilagay sa aking noo

"Hindi ka naman nagkakasakit noon ah? Nagkakasakit ka lang kapag wala kang tulog tulad noong may exam tayo noon, sa kagustuhan mong talunin si Zeeyan ay hindi ka natulog para lang makareview." nag-iwas ako ng tingin sa sinabi n'ya. She really know me, alam n'ya ang dahilan kung bakit ako nagkakasakit at iyon kapag kulang sa tulog.

"So ano ang dahilan kung bakit hindi ka nakatulog kagabi?" tanong n'ya na inilingan ko

"Maybe next time, Max."

I don't want to tell anyone my thoughts right now, it might increase my feelings for him. I'm just a simple girl who's known because of her parents, a girl who's trying her best to be on top but still fail...

SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon