Kabanata 13

10.4K 333 16
                                    


Twitter: deliixxWP


Kabanata 13

Notes

Hinatid ako ni Daddy papuntang school, hinalikan ko s'ya sa pisngi bago bumaba ng sasakyan

"Take care, Tiara." sabi n'ya nang nakababa ang bintana, yumuko ako para makita s'ya

"You too Dad, love you."

"Love you too." sabi n'ya at tuluyan nang umalis, kumaway ako hanggang sa nalayo na si Daddy.

Nag-text sa akin si Nick kanina na wala daw meeting ngayong araw kaya dumiretso na ako sa classroom, medyo kabado pa ako habang nasa hallway.

Pagpasok ko sa classroom ay kumunot ang noo ko nang makitang walang tao doon. Tinignan ko ang orasan ko, it's already 7:40 AM. Twenty minutes na lang at magsisimula na ang klase, kahit si Maxxine na expect kong sisigaw pag nakita ako ay wala.

Nilagay ko ang bag ko sa upuan pagkatapos ay lumabas. Pagkalabas ko ay nakita ko si Austin sa hallway. Nginitian n'ya ako at binilisan ang lakad n'ya

"I knew it." sabi n'ya nang nagkaharap na kami

"Nasaan yung iba nating kaklase?" tanong ko at luminga ulit sa hallway, wala ni isang kaklase akong nakita. It's just me and Austin

"Nasa auditorium silang lahat with the other sections, may ipapanuod na movie." sabi n'ya at pumasok.

Kumunot ang noo ko sa pag-aakalang lumabas s'ya sa auditorium nang walang paalam para langmatulog sa classroom kaya hindi ko inaasahan nang lumapit s'ya sa upuan ko at kinuha ang aking bag.

"I came here because I know you'll be here, my cousin was too preoccupied to tell you." sabi n'ya, binigay n'ya sa akin ang aking bag. Naglakad na kami palabas ng building papunta sa auditorium.

Ano naman ang pinagkakaabalahan ni Maxxine para makalimutan n'ya na sa auditorium pala kami ngayon?

"Thanks." sabi ko nang napansin ko na hindi pa pala ako nagpapasalamat sakanya. Kung hindi dahil sakanya ay baka nasa classroom lang ako at naghihintay sa wala.

"I have all the notes from yesterday, you can borrow it kapalit ng pagtulong mo sa akin noon." tumango ako sa sinabi n'ya, mabuti na rin iyong may nag-insist na maghiram ng notes. Atleast hindi ko na kailangan magpaalam kay Maxxine para mahiram ang kanya

"Sure, may quiz ba mamaya?" tanong ko

"Uhm, I think sa Literature lang." sabi n'ya na kinagulat ko. A boy like Austin doesn't pay attention to school reminders, sila iyong mga chill lang sa klase at hindi nagrereview.

"Nakapag-review kaba?" tanong ko sakanya at tumango s'ya

Medyo namangha ako sakanya, he really have this bad boy image. I guess he belongs to the 20% of men in this school who are good at school yet have lots of social experience. Iyong iba kasi school lang okaya social lang, it's really rare to find a cool guy who's good at school.

Habang naglalakad papuntang auditorium ay pinagusapan namin kung ano ang coverage ng quiz para mamaya.

"Hmm, I know that topic pero kailangan ko paring mag-review." sabi ko nang sinabi n'ya ang lesson sa libro na nabasa ko na

"Hmm... Do you want to borrow my notes?"

"Are you sure? Hindi ka ba mag-rereview ulit mamayang breaktime?" tanong ko

Umiling s'ya "I'm okay, mamaya ko ibibigay since nasa auditorium na ang bag ko." sabi n'ya

Tumikhim ako sa naisip ko. He's just trying to be nice to you, Tiara. Stop over thinking.

SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon