Kabanata 16
Sunset
Hindi naproseso agad ng utak ko ang nakita ko, I know that their company involves buildings and real estate pero hindi ko inaasahan 'to!
Lutang parin ako hanggang sa makapasok kami ng restaurant ng hotel. Once again, they greeted us. Kaonti lang ang kumakain doon at mga couples okaya ay negosyante. Buong akala ko ay uupo kami sa table na pang dalawahan lang pero nang binuksan ng waiter ang pintuan palabas ng balcony at naisipan kong mas maganda nga kung sa labas kami mag-d'dine.
Malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa amin pagkalabas namin ng pintuan, ramdam ko ang kamay ni Johansson sa aking likod, hindi ako nakaramdam ng hiya dahil sa view na nakita ko.
I really love to how how the sun sets, how the blue sky turns into orange until it's dark, I love how nature creates its own beauty. I can sit here for an hour just to watch the sun sets from light hues to dark hues.
Watching sunsets makes me want to believe that ending can be beautiful too
"Beautiful, right?" tanong ko kay Johansson na nasa tabi ko
Hindi s'ya sumagot sa tanong ko kaya tumingin ako sakanya para makita kung anong ginagawa n'ya at hindi niya sinagot ang tanong ko.
He's looking at me with a smile on his face, agad akong nag-iwas ng tingin. He's looking at me all this time! Biglang inatake ako ng hiya, he witness how amazed I am because of the sunset!
"Oo... Nagustuhan mo ba?" tanong n'ya at tumingin sa view namin
Tumango ako at ngumiti. Pagkatapos ng ilang minutong tinitignan ang view ay nagdesisyon na kaming pumunta sa table. He pull the chair for me to sit, nginitian ko s'ya bago siya tinalikuran at umupo.
"This is the first time that I take you out for dinner." sabi n'ya nang nagkaharap na kami.
He's right, this is the first time na kumain kami ng kaming dalawa lang. Come to think of it, we've been friends for years pero laging nandyan si Maxxine at Nick sa eksena kaya hindi ko siya gaano napapansin noong umaalis kami pero ngayong kaming dalawa lang... Buong atensyon ko ay nasa kanya at sa mga limitadong galaw ko.
"Ano palang ginagawa natin dito sa hotel n'yo?" tanong ko
"Alam ko kasing gusto mo ang sunset at city lights."
"Maganda rin ba ang city lights galing dito?" excited na tanong ko. I love sunsets pero mas gusto ko ang city lights, I love how city lights glitter every night, isama mo pa ng malamig na hangin. Mapapaisip at mapapaisip ka talaga ng mga magagandang alalaa sa harap ng city lights.
"Yes, out of all our buildings here in Manila, ito ang pinakamaganda. That's why I decided to take you here with me."
Tumango ako sa sinabi n'ya dahil wala akong masabi. Alam n'ya, alam n'yang magugustuhan ko ang view na 'to kaya niya ako dinala dito. Hindi ko man lang alam na alam niya ang mga bagay na magpapasaya sa akin, kahit si Maxxine ay hindi alam ang kagustuhan ko sa mga sunset at breathtaking view tulad ne'to. siya lang...
Samantalang ako kahit mga kaibigan niyang mga lalaki ay hindi ako sigurado kung sino. Kilala ko ang mga nakakasama niya araw-araw pero wala akong kilalang kasama niya talaga sa lahat ng bagay. He's always with his laptop and books, he's always silent. Kaya nang dumating si Austin at nalaman kong magkaibigan pala sila ay laking tuwa ko kasi hindi na magiging mag-isa si Johansson pero nagkamali ako.
Maybe some friendships aren't suppose to be healed, may mga pagkakaibigan na tinuldukan na, na kahit anong gawin mo hindi na mababalik sa dati ang lahat. Kailangan mo na lang tanggapin na hanggang dito na lang kayong dalawa at hindi na matutuloy pa.
BINABASA MO ANG
SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2
Teen FictionSt. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson