Kabanata 29
PDA
Panay ang punas ko sa aking noo habang tinutulungan si Owen sa pamimigay ng relief goods. Panay ang salamat at puri ng mga tao sa ginawa namin at anila'y may presentasyong ipapakita ang mga bata bilang pasasalamat.
"Naku, nag-abala pa po kayo." sabi ni Owen habang binibigay ang maliit na box na may lamang relief goods.
"Maraming salamat talaga." sabi ng matanda at tumingin sa akin. "Hija ikaw ang may-ari ne'to diba." nakangiti ako habang sinasabi nya iyon, tumango ako at may nilahad sya sa aking dalawang purselas na may mga beads na gawa sa kahoy. Sa tingin ko ay eto ang hanap buhay ng mga kababaihan dito at ibebenta sa bayan.
"Maraming salamat po lola." sabi ko, nakatingin parin sa bracelet
"Ibigay mo yan sa taong mahalaga sayo." aniya at nilagpasan na ang table namin.
Tinignan ko muna iyon ng ilang segundo bago nilagay sa bulsa at pinagpatuloy ang mamimigay ng relief goods.
Ibigay sa taong mahalaga sa akin? Sino ang pagbibigyan ko? Si Johansson? Pero hindi sya nagsusuot ng ganito. I'm absolutely sure he will not wear this kind of things, he's used to wear jewelry, not this tradition wood bracelet.
But I want to give it to him, tatanggapin nya kaya? O susuotin man lang?
Panay ang picture taking ni Maxxine sa mga bata kaya nakisali na rin ang mga kaibigan namin. Si Karlie ay pinaglalaruan ang kulot na buhok ng batang babae habang si Bianca naman ay nakikipag selfie sa mga bata, si Nick naman ay hindi nilubayan si Kaien.
Sinulyap ko si Johansson na kausap si Lola na nagbigay ng bracelet sa akin, tumatango tango si Johansson at masinsinang nakikinig sa sinasabi ng matanda. Tumingin sya sa akin at naabutan nya akong nakatitig sakanya, ngumiti sya at hindi na tinanggal ang tingin sa akin habang nakikinig sa matanda kaya nag-iwas ako ng tingin at tinawag ang photographer ng team para kuhanan kaming magkakaibigan ng letrato kasama ang mga bata.
Noong una ang kaming lima lang ang kinuhanan, tinawag ni Nick si Kaien at Johansson na parehong lumingon sa amin. Nasa gilid ako kaya nang naunang tumabi sa akin si Kaien ay kinurot ko si Nick para magpalit kami. Gusto naman ng bakla kaya mabilis nyang pinalitan ang pwesto ko.
Naglalakad si Johansson patungo sa amin kaya nang naabutan nya ang ginawa ni Kaien at tumigil sya sa paglalakad at tinignan nya ng masama ito. Oh no... Not this time.
"Johansson!" tawag ko sakanya at binigyan sya ng pwesto, nasa gilid ko si Maxxine na nasa gitna at binigyan ng espasyo si Johansson.
Bumangot parin ang mukha ni Johansson ng tumabi sa akin.
"Stop sticking around my girl." sabi ni Johansson bago nag-click ng vsunod-sunod ang camera ng photographer at ilang phone ng mga kasamahan namin.
Hilaw ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Johansson. I'm pretty sure narinig iyon ng mga kaibigan ko at alam kong alam nila na si Kaien ang pinaparinggan ni Johansson. Hinawakan ko ang kamay ni Johansson, umaasang makalimutan na nya iyon.
And besides, wala namang ginawang masama si Kaien. Hindi naman nya masyadong nakakausap si Bianca na nasa kabilang dulo kaya natural na sa akin sya tatabi. Overacting lang itong si Johansson, hindi lahat ng lalaki ay may gusto sa akin.
Nagpatuloy ang picture taking, kasama ang mga managers, staffs, volunteers at citizens na tinulungan namin. Hindi pa papalubog ang araw ay nag-impake na kami, anila'y delikado daw ang bumaba ng bundok kapag gabi kaya habang may araw pa ay aalis na kami.
Nagbigay ng munting mensahe ang pinuno ng barangay at sumayaw ang mga bata na sinalihan nina Nick at Owen kaya panay ang tawa namin lalo na ng may tatlong batang bading na todo sa pag-kembot at ginaya ito ng dalawa.
BINABASA MO ANG
SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2
Teen FictionSt. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson