Kabanata 36
First Love
Walang araw na hindi nanatili si Maxxine sa bahay, dito na rin siya natutulog. Umalis lang siya noong kaarawan ng kanyang pinsan at sinabi niya pang sumama daw ako sakanya pero tinanggihan ko. She doesn't want to leave my side.
Simula noong nagkausap kami ni Johansson ay panay na ang text niya sa akin, minsan ay gusto kong sabihin sakaniya ang pag-alis namin kaso natatakot ako sa magiging reaksyon niya.
Isinasama siya ng kanyang magulang sa kumpanya, mapa-meetings man 'yan o simpleng trabaho lang, siya na rin ang nagprepresinta sakanyang mga magulang noong nag-out of town ito noong nakaraan na araw. Tinitrain na siyang maging katulad ng kanyang Ama at proud akong nagagawa niya iyon ng maayos. He's doing great at natatakot ako sa posibleng kaya niyang gawin kapag nalaman niyang pupunta kaming Europa at doon na maninirahan.
I won't be able to see his grouchy face when there's a nosy person around or to scold him when he's not treating other girls right, hindi ko na siya makikitang nakaupo lang sakanyang desk at kaharap ang laptop at hindi pinapansin ang tao sa paligid niya. I won't be able to witness the sunset with him at sa tingin ko ay tuwing makakakita ako ng papalubog na araw ay siya ang maalala ko.
Biyernes ng hapon, sinamahan namin ni Maxxine si Ate Xena sakanyang unang check-up sa doctor. Nanatili kami ni Maxxine sa labas at hinihintay na lang siyang matapos.
"Where do you want to eat?" tanong ni Maxxine, pinagmamasdan namin ang mga babies sa nursery station.
Bago pa ako makasagot ay biglang tumunog ang phone ko dahil sa isang mensahe, akala ko ay si Johansson iyon pero nang napagtantong unregistered number iyon ay nawala ang excitement ko.
Unknown number:
Sorry to bother you, are you free tonight? Can we meet in Marco Polo, Pasig? This is Brent's Mom.
Agad kong pinakita kay Maxxine ang nabasa ko, umaasang iba ang mabasa niya at nagkamali lang ako pero nang binasa niya ito ng malakas ay unti-unting lumakas ang pintig ng puso ko
"What does Tita wants from you?" tanong niya na pinagkibitbalikat ko
"Maybe she wants Zeeyan for you!" inalog niya pa ako pero mabilis ring sumimangot. "Ano ba 'yan, kung kailan aalis kana."
"Siguro alam na niya iyong nangyari sa pamilya namin?" I'm talking about Ate Xena's pregnancy at mangangamusta lang pero kung ganoon nga ay bakit ako lang ang imbitado? Maybe she wants something from me.
Agad akong nagreply na okay lang at nagtanong ng oras ng dinner. I'm not even sure kung sino-sino ang kasama at dahil limitado na lang ang oras ko ay hindi ko na nasabi kay Johansson ang tungkol sa dinner, I'm sure he will be there.
Tinulungan ako ni Maxxine sa pagpili ng masusuot at sa make-up, wearing a white lace pencil skirt and black bustier top and paired it with a heels. She curled my hair para daw mapantayan ang pagiging formal ng suot ko, hinayaan na lang siya sa gusto niyang gawin. Ayon sakaniya, I have to be on my best dahil si Tita Regina ang makakasama ko at dahil na rin sa pag pressure at bilin ni Maxxine ay lalo akong kinabahan.
Walang kaba ang dumapo sa akin ng kasama ko si Maxxine pero nang pagkalabas ko ng sasakyan ay hindi na naging normal ang paghinga ko sa kaba.
Seeing the tall building in front of me makes me want to go inside the car and apologize to Mrs. Johansson because I'm afraid to face her right now. I inhale all the air I can get before entering the hotel. A hotel boy escorted me to the one of their restaurants at sinabi ko na ring kasama ko si Mrs. Johansson, mukhang nagpareserve si Mrs. Johansson dahil tumango iyong lalaki at binuksan ang pintuan.
BINABASA MO ANG
SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2
Teen FictionSt. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson