Kabanata 31Gone
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako nang nagyaya ng umalis si Johansson dahil malapit na daw mag twelve.
Nakasimangot ako nang paalis na kami sa restaurant pero ngumiti sa mga bumating mga waiter and waitress sa amin at sumimangot ulit nang nakapasok na kami ng lift. Bitin na bitin ako sa tatlong oras naming nandoon, hindi ko na rin nakita sina Maxxine nang pumasok kami sa restaurant, siguro ay nasa suite na at nagpapahinga.
Unconscious akong napangiti nang hinanap niya ang kamay ko, hindi nagsasayang ng oras na magkasama kami. Nakatingin siya sa akin habang ako naman ay nakatingin sa aming repleksyon sa elevator. Bagay na bagay talaga sakanya ang longsleeves, it's like he's born to be a CEO which is true. Nalulungkot ako kapag naalala ko ang batang Johansson na tahimik lang sa isang sulok tuwing lunch break at laging may bodyguard na kasama.
Natigil ako sa pag-iisip nang tuminog ang lift hudyat na nasa tamang palapag na kami. Hindi siya gumalaw kaya napatingin ako sa screen ng elevator, sixth.
Hinila ko na siya nang napagtanto kong tinititigan lang niya ako at walang balak lumabas, bumugtong hininga siya bago nagpahila sa akin.
I don't have the keycard kaya kumatok ako, nang nakatatlong katok ako at wala paring nagbubukas ay hinahap ko ang phone ko.
"Geez, forgot my phone." sabi ko nang naisip na wala pala akong dalang bag at walang bulsa ang dress na suot ko.
"Here, use mine." binigay niya sa akin ang phone niya. We have the same phone, white nga lang iyong akin at yung kanya naman ay black.
Binuksan ko iyon at nagulat ako sa kung sino ang nasa lockscreen niya. Ako na nakapikit at tumatawa, I'm laughing with Maxxine and Nick pero hindi sila kita sa picture. Tanging ako lang.
Tinignan ko siya ng masama pero nagtaas lamang siya ng kilay na parang walang ginawang illegal.
"You took a picture of me without my permission?" nakakunot ang noo ko pero hindi ko mapigilang hindi ngumisi
"What? I find you attractive when you're laughing."
"I can sue you, you know." sabi ko at niswipe na ang screen, walang passcode.
"Then you should sue those boys too."
Inirapan ko na lang siya at dumiretso sa message app. Hindi ko sinasadyang makita kung sino ang mga nakakatext niya, his Dad, Mom and Me, iyon ang mga kilala ko, iyong iba ay mukhang sa mga tauhan nila at ina-update siya.
Hinanap ko ang number ni Maxxine at cinall iyon.
"Where are you?" tanong ko sa kabilang linya, sa ingay pa lang ay alam kong nasa labas sila.
"Chilling here sa may bar nila sa baba, there's a live band tonight kaya chineck namin." sabi niya at tumawa sa sinabi ni Nick
Binaba ko na ang tawag dahil puro tawa ang naririnig ko. Nakatingin sa akin si Johansson, hinihintay ang sasabihin ko
"They are downstairs, sa may live band." tumango siya at mabilis kaming bumaba
Sa isang open space malapit sa dagat ay may nakatayong maliit na stage doon kung saan may kumakanta, nag lalakad palang kami ay rinig ko na ang Perfect ni Ed Sheeran. May sinet na maliit na table at sarong na pwedeng upuan ng mga customer.
Agad kong nakita sina Maxxine sa bandang gitna, medyo maraming tao na rin, taliwas sa restaurant na walang tao.
Kinawayan kami ni Nick at may tinuro sa kabilang table kaya napalingon kaming dalawa doon, grupo kasing edad namin at may kasama silang mag-asawa.
BINABASA MO ANG
SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2
Teen FictionSt. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson