Kabanata 24Doubt
Dumating ang lunes at abala agad ako sa Student Council, may kakailangang isubmit bago magsimula ang unang klase kaya maaga ako ng dalawang beses.
I'm pretty sure that my hair was not in a good condition dahil hindi ko ito na-blowdryer kanina sa sobrang pagmamadali. Sinikop ko iyon at nilagay sa balikat ko. Thank God that this room was air-conditioned kundi ay baka kanina pa ako pawisan at haggard.
Dumating ang iba at ginawa ang mga naka-assign sakanila, panay ang sulyap sa akin ni Nick na katapat ng table ko. Tinaasan ko sya ng kilay at ngumuso sya sa table ni Johansson bilang sagot.
Tinignan ko ang table ni Johansson na walang tao, he texted me Good morning awhile ago ng papasok ako ng SCSU. That was two hours ago siguro ay kakagising lang nya ng panahon na iyon. Imposible namang late sya dahil kahit kailan ay hindi sya nalate.
Tinapos ko muna ang gawain ko bago tignan muli ang aking phone. May messages galing kay Maxxine at Bianca, sinasabi na nasa SCSU na sila at tinatanong kung nasaan ako.
Tinali ko ang buhok ko bago lumabas ng SC room kasama si Nick.
"Balita ko wala pa sa classroom si Zeeyan mo?" ngumiwi ako sa huling salitang binitawan nya pero hindi na ako nagreklamo.
"I don't know... Hindi sya nagrereply sa mga text ko." sabi ko sabay sulyap ulit sa aking phone. Again, nothing from Johansson.
Tama nga si Nick, pagkapasok namin ay bakante ang upuan nya. Luminga-linga ako sa hallway para tignan kung paparating na ba sya pero wala.
Nag-simula na akong mag-alala, he's never late or absent before. At kung ma-l'late nga sya ay dapat sinabihan nya ako pero wala...
"Subukan mo kayang tawagan?" suggestion ni Maxxine ng sinabi ko sakanya na wala pa si Johansson. Limang minuto na lang at darating na ang adviser namin para sa homeroom.
Tumango ako at nidial ang kanyang numbero, nag-ring ito pero walang sumasagot.
"Hindi sya sumasagot..." sabi ko ng napalitan ng voice message ang tawag ko. Pinatay ko iyon at tinawagan sya ulit. You better answer it, Johansson...
I gave up after three worthless calls, dumating na rin ang adviser namin kaya tinago ko na ang phone ko. Inisa-isa nya kami para tignan ang attendance at bahagya syang natigilan ng si Johansson na dahilan kung bakit lahat sa amin ay nagtaka sa pagka-late o absent nya
Nilipat sa akin ni Ma'am Franco ang tingin nya at agad akong umiling. Some of our classmates are curious of his whereabouts at panay ang kalabit at tanong nila sa akin, ang pag-iling at pagkibitbalikat lang ang kaya kong ibigay sakanila.
"Laki ng impact ang pagiging absent ni Zeeyan." rinig kong bulong ni CJ
"He's not like you, Cj na pwedeng mag-cut o umabsent kapag tinatamad. His school days are neat and complete kaya nakakapagtaka talaga na umabsent sya." sabi ni Rachel, iyong katabi nya.
Ngumuso ako at nag-isip ng mga pwedeng dahilan ng hindi pagpasok ni Johansson.
Maaring may vacation sila ng pamilya nya since nanrito ang kanyang ina, they probably want to spend time together as a complete family. I don't want to think bad ideas kaya pinanghahawakan ko ang unang pumasok sa isip ko.
Pinanindigan ko ang ponytail ko at hindi ito nilugay, I'm comfortable this way. May konting takas na buhok sa aking mukha at nilalagay ko lang iyon sa gilid dahil sa katamaran.
I made sure that I copied all the lectures, mabuti naman at hindi sila nagpa-surprise quiz kundi ay talagang maiiwan si Johansson sa mga lessons. I'll just send the notes for today to his e-mail.
BINABASA MO ANG
SCSU: Tiara - Miss Always Rank #2
Teen FictionSt. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson