Chapter 5

151K 1.6K 67
                                    

Five

Symptoms

*knock! Knock!

Hindi ko alam kung anong oras na pero alam kong napakaaga pa

And yet…

“NIOBE!!! Anong ginawa mo sa bahay?!” he’s shouting like that.

What the heck did I do? Ugh. Natutulog yung tao e.

“N-I-O-B-Eeeeeeee!!!!!” ugh. Istorbo.

Napatayo tuloy ako ng di oras. Rawr. Gab Borromeo at your service.

“What do you want?” sabi ko pagbukas na pagbukas ko ng pinto.

Bigla naman siyang napaiwas ng tingin tapos namumula. Ang weird talaga ng lalaking ‘to.

“Ah eh.” hinubad niya yung jacket na suot niya at tinakip sakin.

Oops. Nakapangtulog pa nga pala ko. hehehe..

“Tignan mo nga.” Tinuro niya yung sala.

“Anu naman?”  ???

“Ba-hay ba yan? May mga plastic ng chips sa floor, lata ng softdrinks na nakakalat, platong pinagkainan mong nakatambak sa center table. Plus, ang alikabok pa ng paligid! I didn’t even know I was sleeping beside a garbage until pagkagising ko ngayong umaga.” Wow ah. Galit na siya niyan. HAHA.

“So?” teka, parang biglang umaakyat yung sikmura ko.

“So sana, since dalawa tayong nakatira sa bahay na ‘to…” tinakpan ko yung bibig ko. para kasing nasusuka ko eh.

“sana, maging considerate ka—“ tinulak ko palayo si Gab para makadaan ako’t makatakbo papuntang CR.

Di ko na kinayang pigilan eh. nasuka na talaga ko.

Naramdaman ko namang sumunod sakin sa banyo si Gab.

Pero hindi siya nakalapit sakin dahil nga dun sa hatian namin.

Hanggang dun lang siya sa side niya.

“O-Okay ka lang Niobe?” nagmumog ako at pinunasan yung bibig ko.

“Yeah, ok lang ako. May nakain lang siguro ako kagabi.” Ang weird nga eh.

lumakad na ko papuntang kitchen.

Binuksan yung ref at kumuha ng makakain sa loob tapos eh umupo sa dining.

And still, sinundan lang ako ni Gab.

Feeling ko papangaralan na naman niya ko sa mga kalat ko.

Kaya bago pa man siya magsalita eh inunahan ko na.

“Oo. Lilinisin ko na. Mamaya. After breakfast.” Well, that silenced him.

53.000 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon