Chapter 14

126K 1.3K 50
                                    

Fourteen

The Song

“AAAAAAARRRRRrrrrrrrGGGGGhhhhh!!!!!”

huhuhu. I’m glad that my baby has grown inside my tummy at na malapit na siyang lumabas, but still, I can’t accept the effect it gives me!

“Bakit?! Manganganak ka na?!” Gab came from the living room, panicking.

Lagi yang ganyang everytime I’m gonna make weird noises, since malapit na akong manganak. Hehe.

“No. but I wish.” I rolled my eyes and sat by my bedside where Gab also came to sit.

“Baby’s making me Fat. With a capital F. ni hindi ko na nga Makita paa ko oh.” Bummer. Gab just chuckled.

“Niobe. Your really worried about that?” he answered na parang bang nawiweirduhan at hindi makapaniwala sa kahibangan ko. hehe.

And what’s not to worry? Baka pag labas ni baby di na bumalik figure ko noh.

Tinanguan ko lang ang natatawang si Gab.

“You know what? Your funny. Alam mo bang ikaw na ang pinakamaganda at…” natigilan siya bigla, parang biglang natauhan sa sinasabi niya. Tapos nagblush pa. Weird. And he looked away.

“Pinakasexy na buntis na nakita ko.” kk. Muntik na ata akong masamid sa sarili kong laway. Pero hindi na lang ako nagrespond, trying not to embarrass him more.

He, then, changed the topic.

“Nga pala, may event kami sa school mamaya. Punta kayo ni Ally.” Event? Hmm… namiss ko tuloy bigla ang pagiging estudyante.

And speaking of those things… I thought last day na ni Gab ngayon sa school?

“And make sure to be there before 3pm.”

“Bakit? Akala ko last day mo na ngayon? Ba’t may event pa?” tumayo lang siya sa pagkakaupo niya sa tabi ko.

“Basta. You’ll see.”

After ng pag-uusap naming ni Gab e umalis narin siya for school.

Kasunod naman ng pag-alis niya ang pagdating ni Ally, my best friend.

Ganyan sila e. parang nagsasalitan lang sa pagsama sakin.

“hey hey Bessie… musta na si baby?” umupo sa tabi ko si Ally sabay himas sa tummy ko.

bigla ba namang sumipa yung anak ko. hehe..

“Excited to meet her ninang.” Sagot ko sa nakangiting si Ally.

“E anu ba talaga ang ipapangalan mo kay baby? Para naman may matino na tayong matawag sakaniya hindi yung baby lang.” Haay.. to be honest, meron na akong naisip na name. Pero ayaw ko pang ipagsabi. Para wala pang tatawag sa baby ko sa pangalan na yun. Hehe..

53.000 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon