Thirty-Two
The FAMILY
Tinaas niya ang mga paa niya sa center table habang nanonood ng TV—ng cartoons.
Ako naman, nanatili sa kinatatayuan ko habang karga-karga si gabbie at pinapanood ang babaeng ito.
Napaisip tuloy ako…
Sino ba talaga ang babaeng ‘to?
Then she turned to me and Gabbie.
She looked at us with a blank expression as I stared back at her.
“O? Anu pang inaantay mo?” she asked as if I’m obliged to do something.
Pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
Hindi ko naman kasi alam kung anu yung ibig niyang sabihin at kung anu ba yung gusto niyang gawin ko.
Kaya naman napabuntonghininga na lang siya tapos tumayo at lumapit samin ni baby Gabbie.
“Wala ka bang balak na pag miryendahin ako? Hindi mo ba alam na gutom na gutom na ko?!” sabi niya sakin ng nakapamewang at nakataas ang isang kilay.
Nakakatakot.
Nakakatakot yung itsura niyang nagtataray.
Parang may nagsasabi sayong, DAPAT mo siyang sundin dahil kundi kapalit nito ang buhay mo.
OA pero ganun ang aura niya.
“Ah! Uhm.. kasi—“ she cut me off.
“Hay naku. Pumunta ka na nga sa kusina at gutom na ko. Akin na ‘tong pamangkin ko.” Kinuha niya mula sakin ang walang kamalay malay at mukhang nawiweirdan ring si Baby Gabbie. Kaya naman napilitan akong sumunod sa inuutos niya at pumunta sa—
TEKA!
Sinabi ba niyang PAMANGKIN KO?!
Patalikod akong naglakad pabalik sa may sala.
At dahan dahan rin.
Nakakatakot naman kasi ang babaeng ‘to e.
Tinignan lang niya ko nang marating ko na yung sofa kung san siya at si baby gabbie nakaupo.
Si baby Gabbie naman nakatulala at naglalaway pa na nakatingin lang din sa babaeng ‘to na nakatingin nga sakin na tinitignan ko rin sa mga sandaling yun.
“ANO?”
natakot ako.
Pero parang mas nakakatakot pag hindi ako sumagot.
“anu kasi.. s-sino ka ba?”

BINABASA MO ANG
53.000 Steps
Teen FictionNiobe Alcaraz, the perfect daughter, ran off to a far away country to escape the impending controversies, scandals, and heartbreaks which are brought about by a certain conflict she wishes to hide. Upon her departure from her comfort zone, she cross...