Chapter 31

104K 1K 37
                                        

Thirty-One

HER comeback

KRIIIIIIIIINNNNNNGGGG!

Like any other morning, I wake up by the sound of my alarm clock.

Like any other morning, I obediently stand up, turn off the alarm and do my morning rituals.

But then I realized something...

Wala nga palang pasok kasi Christmas vacation na.

Toinks!

Hay naku, Niobe Alcaraz.

Too late na para bumalik pa ulit sa pagtulog. Masyado nang gising ang diwa ko para matulog ulit.

So I decided na lumabas na lang ng room, iwan ang natutulog ko pang anak sa crib niya at magtimpla ng kape at mag-almusal.

Nagkakamot pa ko ng ulo nung lumabas ako ng kwarto at napansin ang natutulog na si Gab sa sofa.

Ewan ko. But there was something in him which drew me towards him.

Well... there was always something in him.

Lumapit ako kay Gab.

I stood there, beside his so-called bed, and watch him while sleeping.

Nakakatuwang panoorin si Gab matulog. He ressembles Gabbie.

Hindi sila magkamukha. Malamang. Hindi naman sila magkaanu-ano. But Gab is just like Gabbie when he sleeps.

Parang ang peaceful. Parang ang gaan sa pakiramdam. Parang ang sarap mahalin.

It was as if watching Gab sleep is not enough na umupo pa ko to get a better view of him.

And mind you, I can't help but smile.

Natauhan. Nagulat. Natakot. Nahiya. Ako, nang biglang gumalaw si Gab sa sofa at unti-unting minulat ang mga mata niya. Nagpanic ako. Pero naisip ko...

Bakit ba kasi ako nanonood ng taong natutulog?

"Good morning, Niobe..." nakangiting bati sakin ni Gab habang nag-iinat pa at nakahiga sa sofa.

"G-good morning din." Napatayo na lang ako.

Nag-isip ako bigla ng mga palusot na pwede kong sabihin in case tanungin ni Gab kung anong ginagawa ko sa kinalalagyan ko. Pero no can do, ayaw gumana ng utak ko. Ngumiti kasi si Gab e.

Hindi na nagsalita ulit si Gab. Pero nakangiti parin siya sakin.

At di ko magawang tumingin sakaniya ng diretso. Amp.

"Uhm. Anu. Kasi. Ganito. Anu." Haay naku Niobe. Anu bang nangyayari sayo, hija?

"Haay... Sa kusina lang ako." I sounded like i was defeated.

Pero nung paalis na ko sa kinatatayuan ko...

He quickly caught my hand ang pulled me down beside him.

Para yakapin ako.

"Niobe. Dito ka muna." Then he hugged me tighter.

Parang nag-iinit yung buong mukha ko ng mga sandaling yun.

Pakiramdam ko sasabog na yung puso ko sa sobrang bilis ng beat nito.

53.000 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon