Chapter 23

110K 1.1K 35
                                        

Twenty-Three

Another girl.

Kinabukasan, papungas pungas ako.

At kahit ano mang tago ang gawin ko na hindi ako nakatulog magdamag e halatang halata parin ng tao sa paligid ko, lalong lalo na si Gab.

“Wag ka na kayang pumasok ngayon?” He said before starting the engine.

Kakaiwan palang naming kay Baby Gabbie kay Mama at papunta palang kami ngayon sa school.

Pero dahil nga sa kulang ako sa tulog at wala pa sa sarili e tinignan ko lang si Gab habang napailing lang siya.

“I’m sorry to keep you from sleeping last night.” Nabuhayan naman ako bigla sa sinabi niyang yun.

Para kasing nun lang nagsink in sakin na kinakausap pala niya ko. Hehe.

“hindi ako puyat ah.” Defensive much, eh? Hehe.

Pero napipikit talaga yung mata ko.

Ang hirap labanan, para tuloy akong may katarata sa mata.

Ayan tuloy, natawa pa si Gab.

“Tinatawa tawa mo jan?” inaantok na nga ee tatawanan pa.

“Pwede bang mag-absent ka na lang ngayon? Magpahinga ka na lang, puyat ka e.” Kala mo naman siya hindi puyat. TEKA.

Ba’t ganun?

Parang hindi siya inaantok?

Andaya.

“Sayang ang isang araw ng klase.” Maikling sagot ko, still fighting the sleepiness.

Nagbuntong hininga siya, kunyare nag-isip.

Kunyare kasi parang alam naman niya talaga yung sasabihin niya, umeechus lang.

Nangingiti pa nga habang nag-iisip e. anong klaseng pag-iisip naman yun diba? Hehe.

“Ganito na lang. Papayagan kitang pumasok sa school on one condition.” Tinaas ko lang ang isang kilay ko as my answer.

May pa condition condition ka pa ngayon ah.

“You’ll go on a date with me after class.”

 

 

 

“Kichekicheku mean I love you. Baby, baby. Baby!” natatawang nagkatinginan sina Ally at Sandra.

“At kelan ka pa nagging fan ng Phineas at Ferb?”

“oo nga, nagkoconcert ka pa.” Nilingon ko yung dalawa. Nauuna kasi ako sakanila sa paglakad.

“Bakit ba? Maka Disney si Baby Gabbie e.” ngumiti lang yung 2.

Amazing nga e, pagdating namin ni Gab sa school… Parang nawala yung katamlayan ko at bigla akong naging energetic.

53.000 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon