Chapter 35

103K 1K 19
                                    

Thirty-Five

The Hunting

Kadiliman.

Wala akong ibang natatanaw kundi kadiliman. Ironic man, pero sa kabila ng kadilimang bumabalot sa paligid ko, nakikita ko ang sarili ko. Malinaw kong nakikita ang mga kamay ko, ang mga paa ko pero itim ang paligid ko.

Tumakbo ako para hanapin ang liwanag.

Takbo rito. Takbo roon. Tila wala akong kapaguran. Tila wala akong pinatutunguhan.

Ang gusto ko lang ay makatakas sa dilim na aking kinalalagyan.

Sa kalagitnaan ng pagtakas ko sa kadiliman, narinig ko ang isang boses.

 

“niobe…”

 

Kilala ko ang boses na yun. Walang duda, sakaniya ang boses na yun.

 

“I love you, can’t you see that?!”

 

Nagpatuloy ako sa pagtakbo, pero ngayon, hindi na para tumakas sa dilim kundi para takasan ang boses na umaalingawngaw sa tenga ko.

 

“Bakit si Cian pa?! Mas nauna naman kitang mahalin kaysa sakaniya a!”

 

Humahangos…humihikbi… gustong makawala pero di makatakas. It’s like I’m being hunted and I could not defend myself.

 

“Niobe.”

 

“NIOBE.”

 

“NIOBE!!!”

 

 

Hingal na hingal at pawis na pawis ako nang magising ako sa tunog ng cellphone ko.

Tinignan ko ang alarm clock sa tabi ng kama ko. 10:30 am. I overslept.

Tinignan ko rin ang crib ni Gabbie, wala na siya. Kinuha na siguro ni Gab kanina.

Then, I reached for my phone para basahin ang message na naging dahilan ng pagkagising ko.

It’s from my mom:

[center][quote]”A mom misses her baby. Lets have lunch today. Tayo lang.”[/quote][/center]

well, the baby misses her mom too.

After that, lumabas ako ng kwarto. I saw Gab sitting on the sofa, playing with Gabbie.

Ang malandi kong anak e bungisngis ng bungisngis. HAHA.

53.000 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon