Seven
Behind the smiles
Sa mall na lang kami kumain ni Gab for dinner.
Medyo nalibang din kasi kaming magkwentuhan dun sa park kaya late na para magluto pa siya ng dinner.
So ganun na nga lang ang ginawa namin.
Infairness to Gab, masaya siyang kasama. Hindi boring.
Sa sobrang hindi boring, hindi na namin namalayan yung oras.
Kaya ayun, late na kami nakauwi sa apartment.
Kabababa palang namin nun ni Gab sa taxi nang mapansin ko for the first time yung isa sa mga kapitbahay naming nakatira sa left side ng apartment namin.
“Oh, shoot. Mauna ka na, Niobe. May nakalimutan ako sa taxi.” Tumango lang ako at hinabol na ni Gab yung taxi na hindi pa naman masyadong nakakalayo.
Nang mareach ko ang pinto ng apartment, nginitian ako nung babaeng kapitbahay namin.
Mukha namang mabait, but I don’t like her outfit. Parang lahat kulang sa tela. HEHE.
”Hi! Jan ka nakatira?” nakangiti naman akong tumango sakaniya habang hinahanap ko yung susi ng apartment.
“How come ngayon lang kita nakita? Asawa ka ni Gab? Live-in?” ghad. Kanina napagkamalan akong girlfriend, ngayon naman ASAWA? Watdahel ah.
“Ay, naku hindi. Nagsheshare lang kami sa apartment. Magbestfriend kasi yung pinsan ko at kapatid niya.” Tumango tango naman yung babae tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nakakailang pero nagfocus na lang ako sa paghanap nung susi at ayun, nakita ko naman. HEHE.
I opened the door. Pero hindi pa ko pumasok agad.
“Studyante ka ba?” ang hirap naman ng tanong na yan. HAHA. Napangiti tuloy ako.
“Magiging palang.” Kasi hindi pa ko nag-aaral. HEHE.
“Oh. Kailangan mo ba ng trabaho? May alam ako. Pwedeng pwede ka.” Naku. Tamang tama naman ang timing.
And I thought mahirap maghanap ng trabaho sa Pilipinas?
Eh eto nga o, kusang dumarating pa. HAHA.
Sasagot na sana ako sa offer ng babaeng ito na hindi ko pa alam yung pangalan kaya nga lang…
“Niobe. Pasok na.” Seryoso yung tingin niya na di ko malaman yung ibig sabihin. Tapos ni hindi man lang niya pinansin ‘tong si neighbor namin. Nginitian ko na lang tuloy at nagpaalam na rin ako.
“O sige, sa susunod na lang. Nice meeting you…?” di ko alam pangalan e.
“Ezra.” Nakangiti niyang sabi sakin.
“Niobe.” Tapos nakipagshakehands ako sakaniya.
Pero napabitiw ako agad kasi nagulat ako kay Gab.
BINABASA MO ANG
53.000 Steps
Ficção AdolescenteNiobe Alcaraz, the perfect daughter, ran off to a far away country to escape the impending controversies, scandals, and heartbreaks which are brought about by a certain conflict she wishes to hide. Upon her departure from her comfort zone, she cross...
