Chapter 16

123K 1.3K 58
                                    

Sixteen

Dad

Due to public demand…

March 20. Araw ng kapanganakan ng anak ko.

Araw ng simula ng maraming kaligayahan ko.

“Ang ganda ganda naman ng apo ko.” Tuwang tuwa si Mama sa apo niya. Kanina pa niya hawak e at ayaw talagang bitawan. HAHA.

Napapangiti na lang tuloy ako.

Alam niyo yun? Masaya na ko dahil sa pagdating ng baby ko.

Pero nadadagdagan yung saya ko sa tuwing nakikita ko yung reaction ng mga tao sa baby ko.

“Niobe, sakin mo siguro pinaglihi si Gabbie noh? Kay gandang bata nga o.” HAHA. Yes. Gabbie ang naisip naming itawag kay baby Phoebe Gabrielle Borromeo.

Siyempre kahit maganda yung pangalan niyang Phoebe Gabrielle, masyadong mahaba naman yun.

So Gabbie na lang daw. Para combination ng pangalan naming ni Gab.

But no. hindi ko kay Ally pinaglihi si Gabbie. Hehe.

Bumabanat lang si bespren.

“weh. Patingin nga.” Sinilip ni Kiel si baby gabbie sa gitna nina mama at Ally.

Bale siya na yung nasa pagitan ni Mama at Ally ngayon.

“Mukha ngang prinsesa e. Hindi naman mukhang katulong.” HAHA. Heto na naman po kami.

Aambahan na sana ni Ally ng suntok si Kiel pero dumaan bigla sa pagitan nila si Gab,

Kaya ayun. Parehong napaatras yung dalawa. Hehe.

Ngumiti lang sakin si Gab as he walked towards me.

He sat on the bed, beside me at hinawakan ang right hand ko. Dalawa lang yan e.

Either nanananching lang si Gab or talagang magaling lang siya umarte. Hehe.

“Kayong dalawa ah. Tigil tigilan niyo yang pag-uupakan sa harap ni Gabbie. Mahawa pa sainyo yung anak ko.” Parang biglang lumambot yung puso ko nang marinig kong sabihin ni gab yung ‘anak ko.’

Wala lang. Naamaze lang ako.

Para kasing napakanatural lang kay Gab na sabihin yun, as if totoo.

Nakakatouch.

Napayuko lang si Kiel tapos umirap si Ally.

Natutuwa na talaga ko sa dalawang ‘to. HAHA. May future. Hehe.

“Haay… kayong kabataan talaga o.” HAHA. Si mama o. NakikiFC. HAHA.

Napagod na ata si Mama sa pagkarga kay Gabbie kaya kinuha naman siya ng ninang niyang si Ally.

“anak, may appointment ako ngayong tanghali e. babalik na lang ako mamayang hapon a.” Sabi ni mama habang inaayos yung bag niya.

53.000 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon