Chapter 33

98K 1.2K 66
                                    

Thirty-three

Proof

“ILABAS NIYO ANG MAG-INA KO!!!”

kasabay ng pagkagulantang naming lahat sa pag iiskandalong ito ni Gab ay ang pagkagulat rin namin sa biglang pag tawa ng evil laugh ni ate giselle nang silipin niya si gab mula sa bintana.

Tapos e umupo dun sa sofa nang nakangiti ng kaniyang evil smile at tipong nag-isip.

“NIOBE!!! GABBIE!!!” nyak. Isinigaw pa ni Gab yung pangalan namin ng anak ko. Nakakahiya na sa mga kapitbahay.

Feeling ko e pareho lang kami ng naisip ni Daddy.

Kaya namang nagreact na siya sa mga ikinikilos ni ate giselle.

“Giselle, anu na naman bang ginawa mo’t nagwawala na naman ang kapatid mo? “ Naka evil smile pa rin si Ate Giselle nang tignan lang niya si Daddy as a respond sa sinabi nito.

Nagtitigan lang sila na parang nag-uusap sa tingin hangagng sa matakot na kami nina Gail at mommy nang pati yung gate nila e pinagdidiskitahan na ni Gab. Pero bago pa man makapagsalita ang isa samin e tumayo na si Ate Giselle para kausapin yung katulong nilang nakikichismis sa sulok.

"Ayos na ba yung pinapaayos ko sayo?" tumango lang yung katulong tapos e mas lumawak yung ngiti ni Ate Giselle hanggang sa mapunta yung tingin niya sa akin.

"Niobe, pwede mo bang ibigay mo sandali si Gabbie kay Gail ?" nagkatinginan kami ni Gail. Parehong clueless sa pinaplano ni Ate Giselle pero sumunod parin kami sa kadahilanang may I’ll kill you if you don’t obey aura na naman si Ate Giselle. Pagkabigay ko kay Gail si Gabbie e pinapunta ako ni Ate Giselle sa isang kwarto.

"Dito ka lang. Wag kang lalabas. Ok?” sabi niya habang nakangiti sakin pero may ganung aura parin. Kaya tumango na lang ako.

Narinig ko ang patuloy na pagsigaw sigaw ni Gab mula sa loob ng kwartong kinalalagyan ko until bigla na lang tumahimik ang lahat. As in tahimik. Nacurious man ako at medyo nag-aalala na rin at naisipan ko mang sumilip sa labas ng kwarto e hindi ko parin nagawa dahil mas inalala ko ang I’ll kill you if you don’t obey aura ni Ate Giselle.

Matapos ang mahaba-habang silence na muntikan kong ika-bore e bigla na lang nag ‘CLICK!’ yung pinto, indication na may papasok.

Napatayo ako nang tuluyang magbukas ang pinto and there, I saw Gab.

He rushed towards me at niyakap ako. Nang mahigpit.

“Niobe. Akala ko… akala ko…” hindi halos makapagsalita si Gab, nabubulol at nuubusan ng salita.

At hindi ko rin malaman kung bakit ganito mismo ang reaction niya. Naguguluhan na ko.

Wala naman akong ibang magawa kundi itanong sa sarili ko kung anu na bang nangyayari.

“may ginawa ba sila sayo? Nasaktan ka ba?” tanong ni Gab na para bang kidnappers ang pamilya niya na inabduct kami ni Gabbie habang chinecheck niya yung braso ko kung may anuman.

53.000 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon