Six
Usapang buntis
“Niobe, buntis ka ba?”
kumulog ang langit. Nagtahulan ang mga aso. Narinig ko ang pagtibok ng puso ko. At…
“HAHA! Ako? Buntis? HAHAHA!” tumatawa akong lumayas sa kitchen at pumasok sa kwarto dala-dala yung manggang pinabili ko kay Gab.
Sinawsaw ko yung isang pirasong mangga sa bagoong. Kinain ko. Tapos…
Tumulo na lang yung luha ko.
Haay..
Hindi na ko lumabas ng kwarto buong hapon hanggang mag gabi na.
Hindi na nga ako nakapag Dinner pa. Diretso tulog na lang.
Hindi na rin ako inistorbo ni Gab kaya tuloy tuloy na rin yung pagmumukmok ko.
Kinabukasan…
*knock! Knock!
Nagising ako sa mga katok sa pintuan.
“Niobe, its me. Gab.” Ay malamang. Sino ba nga ba?
“I’m going out for a walk. Tatanong ko lang sana baka…” parang nag-aalinlangan pa siyang ituloy yung sasabihin niya.
“Baka gusto mong sumama. Para makapasyal ka naman.” Sabi niya, sounding hopeful.
Pero hindi ako sumagot.
Di ko rin kasi alam kung anu isasagot ko eh. Alam niyo yun?
Yung… parang gusto ko pero ayaw ko rin.
Dahil nga sa walang narinig na sagot si Gab mula sakin e wala na rin siyang nagawa.
Narinig ko na lang ang mga yapak niyang palayo na.
And I don’t know what’s gotten into me.
Narealize ko na lang…
“Gab?”
nakatayo na ko’t naglalakad kasama siya.
“Hmm? Here.” Inabot niya sakin yung isang ice cream na binili namin kay Mamang sorbetero.
“Thanks.” Umupo kami dun sa bench na malapit.
“Lagi ka ba dito?”
yung dito na sinasabi ko ay walang iba kundi isang park.
Ang astig nga dito eh. maraming puno, maraming halaman.
Maraming tao pero hindi yung nakakastress na maraming tao. Alam niyo yun?
Yung parang sa mga mall, maraming tao na nakakastress.
Dito, wala lang yung mga tao. Hehe.. I mean, wala silang effect.
BINABASA MO ANG
53.000 Steps
Teen FictionNiobe Alcaraz, the perfect daughter, ran off to a far away country to escape the impending controversies, scandals, and heartbreaks which are brought about by a certain conflict she wishes to hide. Upon her departure from her comfort zone, she cross...
