Thirty-Seven
The Hunting Continues
Nalulungkot ako. Natatakot. At parang nagdadalawang isip.
Hahayaan ko na lang bang makaalis si Mama? Na iwan niya ko dito sa Pilipinas?
Hindi ba ko magsisisi kung hindi ako sasama sakaniya pabalik ng England ngayong araw?
E kung sumama ako? Magsisisi rin kaya akong iwan si Gab dito?
Kung isasama pati si Gab, hindi pa parang sobrang pag-oobliga ko naman ata sakaniya pag ganun?
Dali-dali kong binura sa isipan ko ang mga tanong na yan.
Wala na. Buo na ang desisyon ko. HINDI ako sasama kay Mama.
HINDI ako babalik ng England. HINDI ko iiwan si Gab.
“O, hindi pa nakakaalis si Mama. Pwede ka bang magbago ng desisyon.’’ Nilingon ko ang nang-iinis na si Gab sa may likuran ko.
“Yeah right. Bilisan mo na nga’t baka di natin maabutan si Mama sa airport.” Ngumisi lang siya tapos pumasok na ng CR para maligo.
Habang inaantay si Gab sa paliligo niya e inayos ko na sa bag yung mga gamit ni baby Gabbie, yung mga pamalit niya in case na pawisan siya o kung anuman, towel at milk niya. Isang bagay ang natutunan ko sa pagiging ina, dapat handa ka sa lahat ng possibleng mangyari para sa anak mo. Hehe.
Ready to go na sana kami sa airport nang may nagdoorbell.
Binuksan ni Gab ang pinto.
“Hey.” Lumingon ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Cian.
Natuon rin naman ang pansin niya sakin paglingon ko.
“Hey, there!” Bati niya habang palapit sa kanauupuan namin ni Gabbie.
Tinaasan ko siya ng kilay, way to ask him kung anong ginagawa niya dito.
“Well, I was thinking if I could ask—“ Hindi ko na siya pinatapos pa.
“Cian…” Pinakita ko sakaniya ang suot ko, ni Gabbie at ni Gab.
“May lakad kami.”
“Oh.” Sabi niya sa tono na nasurprise. Tumango-tango naman ako.
‘‘Uh, Niobe. Baka malate tayo.’’ Singit ni Gab. Tinanguan ko rin siya.
‘‘So… If you don’t mind, Cian. We better get going. My mom is flying off to England.” I told him habang kinukuha ang bag na mga gamit ni Gabbie.
“Wait. She’s going back today? Then,I should come too. Hindi ba pwede?” I was caught off guard with what he said. Tinignan ko si Gab para itanong sa kaniya ang tanong ni Cian pero nakatingin na siya saking with an expression saying ‘ikaw ang bahala’.
BINABASA MO ANG
53.000 Steps
Teen FictionNiobe Alcaraz, the perfect daughter, ran off to a far away country to escape the impending controversies, scandals, and heartbreaks which are brought about by a certain conflict she wishes to hide. Upon her departure from her comfort zone, she cross...