Love #1

1.3K 27 1
                                    

"I like you, Abby Fae."

Abby Fae's POV

Naka-simangot na pumasok ako sa opisina ng pinakamamahal kong amo. Ang CEO ng Mendez's Company. Psh!

"Finally you are here, Abby Fae." I automatically rolled my eyes. Again, tinatawag niya na naman ako sa buong pangalan ko.

Pagak siyang tumawa. Gwapo nga sakit lang naman ng ulo ang dala sa akin.

"What do you want, Mr. Mendez?" Pormal kong sabi.

"All I want is you, Abby Fae. And call me Fabian. Ilang beses ko ba sasabihin yon sayo." Parang stress na sabi niya.

Umikot na naman ang eyeballs ko. Heto na naman tayo. He's always like this at ewan ko ba, naiirita pa rin ako.

"Okay, Fabian. Please h'wag mo naman ako tatawagan kapag rest day. Sunday ngayon. For Pete's sake." Kung hindi ko lang siya boss hindi ako pupunta dito. At kung hindi niya lang ako tinakot na wala na akong ibang mahahanap na trabaho kapag umalis ako sa kumpanya niya, wala na dapat talaga ako dito! Itaga niyo yan sa ulo ni Fabian!

"I'll pay for it just... just be with me, Abby Fae." Ang mga asul niyang mata na palaging napakapungay ay matang naka-tingin sa akin at humihingi ng konting simpatya. Ang manipis at mapupula niyang labi ay bahagyang naka-nguso.

Malalim na bumuga ako ng hangin.

Napapagod ko siyang tingnan. "Fabian, I don't want to give you false hope. Kaya it's a no. I'm sorry." For the nth time inulit ko na naman ang linyang 'to.

Unti-unting nagbago ang ekspresyon niya. Umigting ang kanyang panga at ang labi niya ay mas lalo pang numipis dahil sa pagpipigil ng emosyon.

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa guilt na nararamdaman ko. He's always like that when I'm refusing him.

Sumandal siya sa upuan at pumikit habang hinihilot ang kanyang sentido. Sa huli ay bumuga siya ng hangin.

Nagmulat siya at nakita ko na naman ang asul niyang mata na mapupungay na tinitigan ko.

"Pagbigyan mo naman ako, Abby Fae. Kahit ngayon lang be with me."

"No. I'm sorry. I have to go it's my rest day, Sir." Tinalikuran ko na siya at umalis.

Oo malakas ang loob ko na gawin sa kanya ang ganoon. Siya naman ang dahilan kung bakit hindi ako makaalis sa kumpanya niya. Kailangan ko ng trabaho dahil mag-isa kong binubuhay ang sarili ko at may mga bagay na dapat kong bayaran.

Pumara ako ng taxi at sumakay. Napapikit na lang ako ng makaramdam na naman ako ng guilt. Sa araw-araw na lang ba?

Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit napansin niya ang isang katulad ko. Pinagsisisihan ko yon....

"Abby, pwedeng humingi ng favor?" Napa-tigil ako sa pagnguya ng tabihan ako ni Karla sa inuupuan ko sa cafeteria ng kumpanya kung saan kami nagtatrabaho.

Nilahad ko ang kamay ko. "Akin na." Abot hanggang langit na ngisi ang ibinigay niya sa akin.

Inabot niya sa akin ang isang hindi kaliitang box na naglalaman ng chocolate.

"Salamat, Abby. Maasahan ka talaga." Pabiro niya pa kong tinapik sa balikat. Ngiti lang sinagot ko sa kanya.

Ganito lagi ang routine. Hihingi ng favor si Karla na ilagay ko sa table ng amo ko ang chocolate na ibinibigay niya. Bakit? Kasi ang laki laki ng pagka-crush niya kay Sir Fabian Mendez. Mas malaki pa ata sa universe.

Ganoon lang daw talaga si Karla kapag crush na crush niya ang isang lalaki. Nagbibigay siya ng chocolate. Pang limang beses na ang chocolate na 'to.

S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon