NOTE: Hi, sana magustuhan niyo to kasi ako gustong gusto ko 'to. Hahaha. Tip, Makinig kayo ng sad love song or what so ever, hahaha. dun sa bandang dulo para mas ma feel niyo. Get ready, Guys. hoho.
"Use me, Abby Fae. Use me to move on."
Abby Fae's POV
Sunday ngayon birthday na ni Zach. Naibalot ko na rin ang regalo ko sa kanya. Binilhan ko siya ng relo. Tska bumili rin ako ng isang photo album na may nakalagay na bestfriend sa cover nito. Nilagyan ko na rin ng picture nung mga bata kami hanggang sa present picture namin.
Nandito ako sa kwarto ko at naghahanap ng dress na isusuot ko. Akala ko simpleng salo-salo lang. Yun pala isang engrandeng party pala. Hindi kasi pumayag si Tita, mama ni Zach, na hindi sila magpapaparty ng bongga.
Sabagay, aanhin ba nila ang pera nila kung hindi nila gagastusin.
Napatigil ako sa pagpili ng dress ng may magdoorbell sa condo ko.
"Charice, anong ginagawa mo dito?" Ang naka-ngiting si Charice ang sumalubong sa akin na ang daming dalang paper bag at isang kahon na may kalakihan.
"Obiouvsly, para maging fairy godmother mo. Hindi ka naman marunong mag-ayos diba. Chupi, dadaan ang dyosa." Maarte siyang pumasok sa condo ko at pinatong sa center table ang lahat ng dala niyang paper bags.
"Ano ba yang mga dala mo ang dami dami?" Naka pamewang ko siyang hinarap habang naka upo siya sa couch.
"Tingnan mo na lang." Tingnan ko ang mga paper bag.
Kumpletong gamit na panlagay sa mukha. May isang dress sa paper bag at namangha ako sa dress na nasa box. May sapatos rin at mga accessories.
"Wow, sayo 'to Charice?"
"Nah, sayo ang lahat ng yan pwera dun sa isang paper bag na may dress." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Wala akong natatandaan na nagpabili ako sayo ng mga ganito at lalong lalo na hindi ako nangutang sayo."
"Sabihin na lang natin na gifts yan."
"Charice, may amnesia kaba? Si Zach ang may birthday hindi ako. Nakalimutan mo naba? Anong nakain mo?"
"Aish! Ang dami mong tanong? Halika na ayusan na kita para pretty ka mamaya."
Wala na ako ng hilahin niya ako sa kwarto at pag-eksperimentuhan ang mukha ko.
"Kamusta na pala yong bahay niyo, Abby?" Tanong niya habang nilalagyan ako ng eyeshadow.
"Hindi ko pa tapos bayaran. Nasa one hundred fifty thousand pa."
Sinangla ang bahay namin noong panahong nagkasakit si Mama. Pinambayad namin sa ospital at mga gamot niya. Pati sa operasyon niya na hindi naging successful. Nakakalungkot lang pagnaaalala.
"Heto bang condo mo tapos mo na rin bayaran?"
"Malapit na dalawang buwan na lang." Ito ang mga dahilan kung bakit hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Madami akong dapat bayaran.
Hindi na rin ako tumitira sa bahay namin dahil nalulungkot lang ako naaalala ko si Mama. Malayo rin sa trabaho ang bahay namin. Wala naman akong sariling sasakyan para mas madali. Pagkatapos kong bayaran ang condo at bahay pag iipunan ko naman ang sasakyan.
"Kung tinggap mo na lang kasi ang tulong ng pamilya ni Zach. Ayan, ang ganda." Nagmulat ako dahil tapos na siya sa paglalagay ng eyeshadow sa akin.
BINABASA MO ANG
S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETED
Teen FictionSeason1: After all, I'm Just A Rebound Naranasan mo na bang maging rebound? na magpakatanga? Kung ako ang tatanungin isang malaking OO. I take the risk, nagbabaka sakali ako na sa huli ako ang mamahalin niya. Hindi naman masamang sumugal diba? Ang...