Love #12

477 11 2
                                    

“I think that’s enough.”

Abby Fae’s POV

Ilang araw na ang nakakalipas. Hindi pa rin nag-iimprove ang pakikitungo niya sa akin ganoon pa rin. Ano bang gusto niyang gawin ko? Minsan gusto ko na lang ibato sa kanya ‘yong mga files na ibinibigay niya at binibigay ko sa kanya. Hindi ko na ma-take ang pagiging cold niya. Pero kapag naiisip ko ‘yong mga ginawa ko sa kanya hindi ko siya masisi kung bakit ganoon siya sa akin. Ako naman ang nagtulak para maging ganoon siya. Totoo talaga na nasa huli ang pagsisisi.

Ang dami ko ng nagawa pero wala pa rin talaga kaming improvement. Todo effort ako sa pagbibigay sa kanya ng food for lunch. Minsan sa canteen or umoorder na lang ako through delivery. Ako ang naghahatid sa kanya ng mga iyon. Katulad ng ginawa ko noong una which is the chocolate incident hindi ko siya hinahayaang ireject ang ibinibigay ko. Good thing he was eating all the food I’ve given to him. Aba, pagkain iyon masamang sayangin. But as usual he is cold as ice. Walang pinagbago ang paraan ng pagtingin niya sa akin. He even calls me in formal way. Miss Fernil? Ugh! Kung tawagin ko kaya siyang Fabian. Diba iyon naman ang gusto niya…. dati.

Bukas na ng apala ang kasal nina Zach at Lisa. I am very happy for both of them. They deserve what they are having right now. Habang sila ay busy sa paghahanda ng mga kailangan nila sa kasal ako naman ay busy sa pag-iisip ng paraan para mapaamo ko ang malamig na lalaking iyon. Hirap na hirap na ako sa pag-iisip ng strategy. Bukas, sisiguraduhin kong magkakaroon na kami ng progress.

Ang hirap pala talagang mansuyo. I have a feeling what I am doing is courting that cold man. I never thought this will very hard and will take too long. Katulad nga ng sabi ni Charice pabebe pa ang lalaking iyon.

Sabado ngayon kaya makakapagrelax ako. Kailangan kong magpaganda para bukas. Nakapag-imapake na rin ako ng mga damit according kasi kay Charice na maiistay kami sa resort kung saan gaganapin ang reception. Ang alam ko ay napaka expensive ng resort na iyon na nirentahan talaga nina Zach for their special day. Iniisip ko pa lang ang nagastos nila ay nalulula na ako. Well, they are both rich so money is not big deal anyway.

Dumating ang araw na pinaka-hihintay ko este nina Zach at Lisa. 7 am pa lang ay nasa hotel na kami kung saan mag-istay kaming mga kasama sa entourage, kasama ang groom at bride. Kasama ko sa kwarto sina Charice at iba pang babaeng abay.

Inaayos namin ang gamit namin ni Charice ng magsalita siya. “Abby, kamusta?”

“Okay naman ako. Alam mo namang iba na ang gusto ko diba.” Saad ko habang hinahalungkat ‘yong bag ko. Hindi ko kasi matandaan kung saan ko nilagay ang phone ko.

“Tangi. Hindi ‘yong feelings mo kay Zach ang--.”

“Shh!” Putol ko sa kanya. Baka may makarinig pa nakakahiya. Sabihin pang may lihim akong pagtingin kay Zach, well yes, I had. I had which means it’s in past participle. Dati ‘yon hindi na ngayon. Of course, Zach is special even now ‘coz he is my bestfriend and first love.

Malay ko rin ba na iba ang tinatanong niya sa akin. Ayaw kasing lilinawin.

“What I mean is what is the progress between you and Fabian? I have my all ears on you.” She giggled. Nagusot ang mukha ko sa sinabi niya.

“What’s with the face? Oh wait? No progress? Am I right?” May pagturo pa siya sa akin. I nodded as she stared at me with unbelievable look of her. Even my facial expression never changed.

“I can’t believe this. Akala ko konting kalabit lang kay Fabian okay na ulit kayo. I am very wrong with that. We need to think other tactics.” She said with her serious tone. Charice knows all the things I’ve done. Minsan ay siya pa ang nagsasabi sa akin ng mga dapat gawin.

S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon