Love #15

687 17 7
                                    

"Kiss me."

Abby Fae’s POV

I changed my clothes quickly para makapunta agad sa condo ni Fabian. Wala na akong pake kung anong oras na. Kung tulog man siya ay gigising ko talaga siya. Magdamay kami dahil hindi talaga ako makakatulog na hindi kami ayos. Ngayon lang ako nagkaganito, hindi ko ‘to nagawa kahit kanino o kahit kay Zach.

Pinindot ko ang doorbell ng condo niya nang nasa harapan na ako. Mabuti na lang ay kilala ako ng guard at ng mga tao sa baba. Siguro ay kilala na nila ako dahil minsan ko ng hinatid sa Fabian dito.

My heart is beating so fast right now but I ignored it. Rinig ko na ang pagbubukas ng pinto. I breathe deeply. When I saw him gusto ko siyang sunggaban, sunggaban ng hampas dahil naiinis ako sa pinaparamdam niya sa akin, naiinis ako sa pagsawalang bahala niya sa mga text ko. Jusko! Gising naman pala ang isang ito.

He’s wearing a white shirt and black shorts. Bakit ang gwapo niya pa rin kahit wala namang espeyal sa suot niya.

His eyes back as cold it was before. Hindi ako papadala sa panlalamig niya. Kung siya cold ako naman nag-iinit, nag-iinit sa inis.

“Bakit hindi mo sinasagot ang text ko? Gising ka naman pala.” bungad ko sa kanya. Tiningnan niya naman ako na parang walang kasense-sense ang sinabi ko.

Napaatras siya ng sapilitan akong pumasok sa loob at isinarado ang pinto niya. Hindi ako aalis dito hanggat hindi kami nagkakaayos.

“What are you doing?!” malamig niyang saad na may bahid ng inis ang boses. Halata namang ayaw niya na nandito na ako.

“Mag-uusap tayo.” determinado kong saad.

“Wala tayong dapat pag-usapan and you don’t know what you are doing.” lalong nadadagdagan ang inis ko sinasabi niya sa akin.

“Fine. Edi hindi ako aalis dito.” Pagmamatigas ko at umupo sa couch.

“Fvck! Hindi mo alam ang ginagawa mo, Abby Fae.” I had a goosebumps the way he said those words. Ano ba ang mali sa ginagawa ko? Wala naman akong gagawin sa kanya.

Hindi ako natinag sa pagkaka-upo. Bahala siya dyan!

“Ihahatid na kita.” Lalo akong nagmatigas dahil sa narinig ko.

“No! Umupo ka mag-uusap tayo.” I demanded. Ako ang masusunod ngayon.

Rinig ko ang pagbuga niyang ng hangin. “Ihahatid na kita.”’ Mas kalmado ang boses niya pero hindi ako papadala sa paganyan ganyan niya. Kung susunod ako sa gusto niya edi wala rin ang pagpunta ko dito.

“Hindi! Umupo ka.” Act like a boss lang.

“Fvck.” Lutong na mura niya bago siya umupo couch sa gilid ko. I won. I smiled secretly.

“Bakit hindi mo sinasagot ang text ko? Naka-ilang text ako pero wala. Buti pa ‘yong Globe nagagawa akong itext.” Wala akong narinig wala sa kanya prente lang siyang nakasandal sa couch. Malamig ang tingin niya pero kitang kita na wala siyang interes sa sinasabi ko. Saan niya naman kaya namana ang pagiging pabebe niya?

“Gising ka naman pala tapos hindi mo man lang  ako nagawang replyan.” Dagdag ko.

“Are you nagging at me? Isn’t it obvious I’m ignoring you.” My jaw dropped when I heard those words. Ohmygod! Ohmygod! Lalo niya akong iniinis.

“Is this about what happened earlier?”

“Tss.” Iyon lang ang narinig ko sa kanya.

“Hindi pa pwedeng quits na lang tayo. Baka akala mo nakakalimutan ko na ang ginawa mo.” He narrowed his eyes.

S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon