Rebound #3
"Sayo okay, e sakin?"
Abby's PoV
-Monday(another week/ one week had past ) -
-cafeteria-
"Anong gusto mong kainin, Zach?" Masigla kong tanong sa kanya habang nakapila. Malapit na kami e.
"Hmmm.,*hawak sa baba* Kung ano na lang order mo."Inirapan ko naman siya ng pabiro. Nginitian niya lang naman ako. Nag isip pa yun lang din naman ang sasabihin.
"Ate, dalawang order po nito*turo* Salamat po."
-
-
"Masarap ba?" Tanong ko sa kanya. ^__^ Para ako nagluto kung makapagtanong. Ngumiti naman siya at tumango.
"Pffft . para kang bata." Pinunasan ko ung gilid ng labi niyang may sauce.
"Thanks." Ngumiti na naman siya. Nakakainlove talaga ang lalaking to >///
"Nasaan pala si Charice?"
"*nguyanguya* Ewan ko nga e *lunok* tinaguan siguro yung manliligaw niyang nerd."
"Nerd?"
Tumango ako. " Stalker niya. Minsan nga nakikita niya pa sa labas ng bahay nila."
"Anong ginawa niya?"
",Pffft. *ehem ehem* T-tubig?" Inabot niya naman sakin ung tubig at mabilis kong ininom.
"Okay kana ba?" Nag aalala niyang tanong. Yiie nag aalala siya >///
"PFFT. Hahaha. Naalala ko lang kasi ung ginawa ni Charice. Hahaha. Pinakawalan niya ung aso nila. Hahaha. Muntik na nga makagat ung nerd. Kaya simula noon hindi na pumunta yung nerd. Hahahah. Hanggang kanto nalang siya tinatanaw. Hahaha. Nakakatawa diba? Uy?' Nag iintay ako ng sasabihin niya kaso malayo ang tingin e. Nakakatawa naman diba?
Tinitigan ko siya maigi. Seryoso at malungkot na naman ung mga mata niya habang nakatingin sa kung saan. Sa may likuran ko siya nakatingin kaya tumingin din ako. Nakita ko si Liza.,Masaya siyang nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Malungkot akong tumingin kay Zach. Hindi naman niya ko napapansin e. Kay Liza pa rin ang atensyon niya. Masakit man aminin pero yun talaga ang totoo. Pag nandyan si Liza nakakalimutan nya ko. Lagi siyang ganyan pag nakikita ang ex niya. Ako naman na girlfriend niya laging kinukuha ang atensyon niya para ako na lang ang mapansin niya. Minsan naaawa na ko sa sarili ko pero ano ba naman ung panandalian. Isang linggo pa lang naman ang nakakalipas. Kaya ko ',to!
Ngumiti ako at tinapik ang braso niya.
"Uy!"
"Huh?" Natauhan naman siya.
"Tulala ka na naman dyan. Natulala ka na naman sa kagandahan ko." Pagbibiro ko.
He pinched my nose.
"Ang cute talaga ng girlfriend ko." Ganyan siya kung minsan. Nagbablush tuloy ako >///
Minsan nawawala ung sakit kapag ganyan siya pero alam ko magkakalamat at magkakalamat parin ito.
"Ano ba ung pinag-uusapan natin?" Zach.
"*pout* Sabi ko hindi na napunta ung nerd kana Charice kasi pinahabol niya sa aso." ^___^
Ngumiti naman siya pero hindi na katulad ng kanina.
"Baliw talaga si Charice. Ang tapang ng kaibigan mong yon. Paano kung nakagat talaga yun ng aso."
BINABASA MO ANG
S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETED
Teen FictionSeason1: After all, I'm Just A Rebound Naranasan mo na bang maging rebound? na magpakatanga? Kung ako ang tatanungin isang malaking OO. I take the risk, nagbabaka sakali ako na sa huli ako ang mamahalin niya. Hindi naman masamang sumugal diba? Ang...