Love #5

1.2K 27 8
                                    


NOTE: Sorry kung matagal ang update baka isang beses lang sa isang linggo ako makapag update. Busy sa studies e. :) Thanks for waiting wag kayong bibitaw. This chapter ay nanggaling sa lugaw kong utak kaya sarreh na.



"You are coming with me, Abby Fae."

Abby Fae's POV

Nagising ako sa sunod sunod na doorbell. Antok na antok pa ko dahil nga napuyat ako. Buwisit kasi ang boss ko.

Bumangon ako kahit labag sa loob ko. Nakakainis naman ang istorbong yon!

Nakapikit na binuksan ko ang pinto ng condo ko habang nakapikit. Ayaw pa kasing magmulat ng mata ko. Gusto ko pang matulog.

"Still beautiful." Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

Saan ko ba narinig ang boses na yon? Parang sa boss ko. Sa boss ko? Wait. Sa boss ko nga. Boses ni Fabian.

Nagmulat ako ng mata at confirm! "Anong ginagawa mo dito ha?!"

Bigla akong nahiya sa itsura ko ngayon. Yung suot kong damit kagabi ng sunduin ko siya sa bar ay sya pa ring suot ko.

Nagising kasi ako kanina ng mga 5 am kaya walang pasabing umalis ako sa condo niya.

Ang hindi ko pa matanggap paggising ko ako pa ang nakayakap sa lalaking 'to. Hindi ko matanggap. First time kong may makatabing lalaki sa kama at yakap ko pa. Well, nakatabi ko na rin naman si Zach sa kama pero hindi naman ako nakayakap.

"I want to date you." Nakakamatay na ngiti ang ibingay niya sa akin.

"Ayoko! Umalis ka na dito." Pagsasarahan ko na siya ng pinto nang hawakan niya ang pinto at pwersahang pumasok sa loob ng condo ko.

"Sir, hindi niyo po ba alam na bawal pumasok sa condo ng iba kung hindi naman kayo pinapapasok." Hindi niya ko pinansin at umupo sa couch na nasa sala.

Pumunta ko sa harap niya at nakapamewang na hinarap siya.

Tinawanan niya lang naman ako. Ang ganda sana ng tunog ng pagtawa niya kaso nakakaramdam ako ng inis.

"Don't call me sir. Im not your boss wala tayo sa office. I am your suitor."

"Wala akong natatandaan na pinayagan kitang ligawan ako!"

"You're so cute." At bahagya siyang tumawa.

Napansin ko na ayos na ayos siya kahit simpleg shirt at pants lang ang suot niya. Mukhang hindi nagkahang-over ang isang 'to a!

Gusto ko na ring magmura pero hindi ko kaya dahil hindi talaga ako nagmumura pero mukhang matututo ata ako dahil sa lalaking 'to.

"Lumayas ka nga!"

"Magdedate tayo. This day is going to be our first date."

"Ayaw ko nga. Umalis kana."

"Take a bath para makaalis agad tayo." Lalo akong naiinis sa pagbale wala niya sa pagtataboy ko sa kanya. Nakakainis na!

"Ayaw ko. Alis!" Bigla siyang tumayo kaya napaatras ako. Sumeryoso na rin ung mukha niya.

"Ba-bakit?" Mautal-utal na saad ko.

"Ayaw mo talaga?" Seryosong sabi niya. Bipolar ba 'to pabago bago ng mood.

Umabante siya kaya umatras ako.

"Si-sigaw ako! Hwag kang lalapit!" Ngayon ko lang narealize na kaming dalawa lang sa condo ko. Pwede niya kong pagsamantalahan. Kahit kasi sumigaw talaga ako walang makakarinig sa akin.

S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon