"Sir, here's your chocolates. Eat them because it will feel you better or it's more better if the chocolates can teach you how to be sweet."
Abby Fae's POV
When I love someone, I believe I need to do everything I can to own him. I don't like the what if's stuff. I don't wanna have regrets in the end. I'll do the best I can till I reach the end. So, I would chase him. I would tame him because I want him and I do love him.
"Let's go, Abby. Balik tayo sa bar." Saad ni Charice at hinila na ako patayo pagkatapos niyang maglaga ng bayad sa table.
"Ha? Bakit?" Nagtatakang saad ko. Sumunod na rin naman ako sa paglabas niya sa resto kahit nagtataka pa rin ako.
Pina-upo niya ako sa table naming kanina. Sa totoo lang ay ayaw ko ng bumalik dito. Naninikip lang ang dibdib ko kapag naalala ko ang nangyari kanina. Masakit at ayaw ko na iyong masaksihan muli.
Nagpatong si Charice ng anim na shot glass sa table.
"Lets drink." Ngisi ni Charice. Nagtatakang tiningnan ko lang siya.
"Trust me. Kakailanganin mo yan kaya uminom kana. Tig-tatlo tayo. Konti lang yan kaya hindi ka naman siguro masyadong tatamaan." Sinimulan na niyang inumin ang laman ng isang shot glass.
Nang mahuli niyang nakatitig pa rin ako sa kanya ay inilagay niya ang isang shot glass sa kamay ko.
"Do you trust me?" Aniya.
"Of course."
"Then drink." Nang uminom siya ay ininom ko na rin ang ibinigay niya sa akin. Ramdam ko ang pagguhit ng init sa aking lalamunan papunta sa aking tyan. Para namang nagustuhan ko ang pakiramdam na iyon kaya nainom ko ang tatlong shot glass. Nagulat na lang ako sa sarili ko ng naubos ko ito.
"You're ready na!" Saad niya ng makatayo siya. Hinila na niya ako patayo at maya maya ay nasa harap na kami ng isang table. Hindi ko na sasabihin kung kaninong table 'to. For sure alam niyo na naman kung kanino.
Nakayuko lang ako dahil ayaw kong may masasaksihan na naman. It is too painful. Tsaka grabe na naman ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.
"ANO BA NAMAN YAN, LEONIL?! Hinahayaan mo ang pinsan mong ganyan! Nasa bar sila wala sa kwarto!" Sigaw ni Charice kaya nakapag-angat agad ako ng tingin.
Kitang kita ng dalawang mata ko si Fabian na nakahiga na sa couch dahil kalasingan habang babaeng yon ay hinahaplos ang dibdib ni Fabian. Kulang na lang ay pumaibabaw kay Fabian. Oh ghad! Hindi ako nagmumura pero may nag-iinsist sa akin na magpakawala ng isang malutong na mura.
It is painful like hell. Seeing the man I love in this kind of situation makes me want to curse badly. Hindi ko inalis ang tingin sa kanilang dalawa. Sige, maglandian lang kayo. Ghad! I am really mad right now but I have no right to be like this.
Ako ang nagtaboy at nanakit sa kanya ng paulit-ulit kaya sumuko na siya, napagod na siya. I cannot blame him to be like this, to be happy and free to do everything he wanted to do in his own life.
May parang pwersa na gusto kong hilahin ang babaeng yon sa pagkakadikit kay Fabian. Epekto siguro ng nainom ko pero pinigilan koi to. I'm not into cat fight.
"That's normal to a place like this. Sayo na nanggaling nasa bar tayo. Tsaka nalaki na 'yan, Charice. I'm not here as his babysitter." Matabang na saad ni Sir Leonil.
"Ano bang aasahan sayo you are just here to flirt!"
"I'm not flirting! Simula ba kanina may nakita kang kasama kong babae diba wala." Rinig ko pa ang pagtatalo nila pero hindi ko iyon mabigyang pansin dahil na kay Fabian at sa babaeng kalandian niya ang atensyon ko.
BINABASA MO ANG
S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETED
Novela JuvenilSeason1: After all, I'm Just A Rebound Naranasan mo na bang maging rebound? na magpakatanga? Kung ako ang tatanungin isang malaking OO. I take the risk, nagbabaka sakali ako na sa huli ako ang mamahalin niya. Hindi naman masamang sumugal diba? Ang...