"This time you'll chase him. Tame him, Abby."
Abby Fae's POV
It's been a week since the incident happened, since he gave up on me. That's the thing I really want from the beginning, from the start and.... until now? I don't know if this is I really want at this moment. I cannot recognize my own self. I feel like I am just a big stranger to myself or just I cannot accept the fact about my real feelings. Am I?
If you'll gonna ask me if I am not working for him. No, I am still here working for him as his secretary, just his secretary. Being with him after that scene made me feel empty. Ewan ko kung ano ang kulang. Hindi ko masabi. He is so cold. His blue eyes are cold as ice.
As of now I am busy on my table with some paper works. I took a swift glance at the curtain that serves as an wall so I can't see him from inside. Palagi na itong nakasarado parang ayaw niya akong makita. Siguro nga pagod na siya at masyado na siyang nasaktan ng dahil sa akin. Hindi ko siya masisi kung ayaw niya na nga akong makita. Ramdam ko na ayaw na niya sa akin pero bakit nandito pa rin ako? Ang sarili kong tanong ay hindi ko masagot. Basta gusto kong manatili dito. Dito lang ako. Binigyan niya naman ako ng choice kung magstay ako o hindi diba. Obviously, I decided to stay.
Sa loob ng isang linggo ay nagkikita pa rin kami ni Kevin. Minsan ay kumakain rin sa labas pero pansin niya ang pagiging walang gana ko. Ngiti lang lagi ang sinasagot ko sa kanya kapag tinatanong kung may problem aba ako. Hindi ko rin kasi alam kung anong isasagot ko. Hindi ko na rin binalak sabihin ang nangyari sa amin ni Fabian. It is not important. NOT important.
Naputol ang malalim kong pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito ng makita ang pangalan ni Charice sa screen.
"Hello." Walang gana kong sagot.
"Hel-May sakit ka ba?" Nagtatakang tanong niya.
"Wala. Ano ba 'yon? Nasa trabaho ako." Walang gana ko pa ring sagot.
"Ah yes! Galing na ako sa designer natin for our gowns sa wedding ni Zach. I just want to inform you na pwede ng makuha at maganda rin na masukat mo na para kung may kailangan kang ipa-adjust or what ay magawa na agad nila."
"Okay."
"Abby, are you sure you're okay?" Bakas na ang pag-aalala sa kanyang boses.
"I'm just tired. Maraming paper works." I lied. Wala nga akong masyadong ginagawa kahit nga magtelebabad kami hanggang labasan ay pwedeng pwede.
"Take a rest. Pinapagod ka masyado ni Fabian. Nako ha! And speaking of Fabian, tell him na makukuha niya na rin ang suit niya. Magsabay na kayo ha." May bahid ng panunukso ang kanyang tinig. Kumalabog ang puso ko ng marinig ang pangalan niya at ang pagsink sa isip ko na kailangan ko siyang kausapin ay lalong nagpatriple sa kalabog ng puso ko.
Walang alam si Charice sa mga nangyayari kaya ganyan siya makapang-asar. If only she knew Fabian gave up on chasing me. He stopped and it is a good thing for me? Right? Ghad! Hindi ko masagot ang sarili ko.
"I'll tell him." Saad ko. Nagpaalam na rin kami sa isa't-isa dahil sinabi ko na marami pa akong gagawin.
Isang linggo na lang ay ikakasal na si Zach at Lisa kaya kailangan na naming makuha ang damit na isusuot namin. Isang buwan na ang nakakalipas ng ibigay nila sa amin ang invitation. Mas gusto daw kasi nilang unang magawa ang invitation para malaman kung ilan ba talaga ang iimbitahin nila. If I know excited lang ang mag-asawa.
Tumingin ako sa glass na nagsisilbing pagitan sa aming dalawa kahit alam kong hindi ko siya makikita mula sa loob dahil sa curtain na nakaharang.
Bumuga ako ng hangin at hinawakan ang dibdib ko dahil nagwawala na naman ang puso ko. Kailangan ko siyang kausapin. Sasabihin ko lang naman na pwede na niyang kunin ang suit niya. Pagkatapos noon ay tapos na! Pwede na akong lumabas. Ganoon lang kadali.
BINABASA MO ANG
S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETED
Teen FictionSeason1: After all, I'm Just A Rebound Naranasan mo na bang maging rebound? na magpakatanga? Kung ako ang tatanungin isang malaking OO. I take the risk, nagbabaka sakali ako na sa huli ako ang mamahalin niya. Hindi naman masamang sumugal diba? Ang...