Epilogue: End of Rebound

1.7K 34 11
                                    

Epilogue: End of Rebound

After five years...

Zach's POV

"Malayo pa ba, Zach." Inip na tanong ni Liza.

"Malapit na kaso traffic." Papunta kami ngayon sa cemetery. November 1 kasi ngayon.

"Lagot tayo nyan." Liza. Napangiti na lang ako. Lagot talaga kami kay Charice. Ang taray taray nung bestfriend ni Abby.

Naalala ko tuloy si Abby. Napangiti na lang ako. Naalala ko pa ng mga panahon na tinulungan niya ko maka move on pero walang nangyari. Minahal ko naman siya kaso hindi nga lang talaga sapat. Hanggang pagmamahal ng bestfriend lang talaga ang kaya ko ibigay  sa kanya.  Noong una iniwasan ko na si Liza para sa kanya, noong panahong pumunta kami sa beach resort at kausapin ako ni Liza. Badtrip ako nun dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako naiinis kay James. Naging protective lang pala ako kay Abby.

Noong araw ding yon magpapaliwanag sana si Liza pero hindi ko pinakinggan. Nang mabigyan ulit ng pagkakataon na makapagpaliwanag si Liza narealize ko na siya pa rin kaya kailangan kong pakawalan si Abby dahil siya lang ang masasaktan. Ayaw ko nang dagdagan ung sakit na nararamdaman niya noon kaya napagpasyahan kong layuan muna siya.

Pero ng nalaman ko na dinala siya sa clinic at nang isugod namin siya ospital hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sinisi ko ang sarili ko kung bakit siya napunta sa ganoong sitwasyon. Nang malaman ko naman ang tungkol sa sakit niya parang gumuho ang lahat. Ang naiisip ko lang noon kailangan niya ko. Kailangan nasa tabi niya lang ako pero ipinagtabuyan niya ko. Nasaktan ako ng ipagtubuyan niya ko. Bestfriend pa rin naman niya ko. Lagi akong nasa tapat ng bahay nila nagbabaka sakali na kausapin niya.

Naalala ko pa ng harapin na niya ko. Yun ung araw na napaiyak ako dahil parang nawalan ako ng napaka importanteng bagay, nawalan ako ng kaibigan na napaka bait na ang ginawa lang ay pasayahin ako. Gusto ko ako naman ang magpasaya sa kanya pero hindi pwede dahil siya na mismo ang lumayo. Alam ko na mapapatawad niya rin ako at tama nga siya time heals pain. Napakasaya ko ng mapatawad niya ko. Parang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib kaya ngayon nabubuhay kami ng walang dala dalang mabigat sa dibdib. Masaya na kami ni Liza. May maayos na kami ni Liza na nagsasama.

"Hay! Salamat!" Sabi ni Liza pagkababa.

Pumunta naman ako sa backseat. Napangiti ako ng makitang gising na si Baby Aubrey. Mag tu-two years old na siya. Binuhat ko siya at binigay ko sa Mommy niya. Anak namin siya ni Liza. Mas naging masaya pa kami nang dumating siya sa buhay namin.

"Tara na." Sabi ko pagkakuha ko ng bulaklak.

"Sina Mama ba kailan daw pupunta?" Tanong ni Liza.

"Si Mama? Sabi niya baka bukas na lang daw siya masakit ang likod." Naka ngiting sabi ko.

"HAAAY! BUTI NAMAN DUMATING NA KAYO! NAPAKATAGAL NIYO KANINA PA NAG IINTAY SI ABBY!" Nakapamewang na sabi ni Charice. Papasok pa lang kami nyan ng cemetery. Inaabangan pala kami.

"Chill lang, Hon." Sabi ni James. Yeah! Sila na hindi ko alam kung paano sila nagkasundo isang mataray at isang maiinitin ang ulo.

"Tsk. Ang tagal e. Tara na nga." Inis na sabi ni Charice. Nagkatinginan naman kami ni Liza at ngumiti.

"Teka lang pala. Pakiss muna kay Baby Aubrey." Malambing na sabi ni Charice at kiniss si Baby Aubrey sa pisngi. Tuwang tuwa naman si Baby Aubrey.

Naglakad na kami kung nasaan si Abby. Miss ko na rin ang babaeng yon.

"Oh! Buti naman dumating na kayo, na traffic kayo no." Nakangiting bati ni Abby.

"Eto, etong mag asawang ito ang may sala." Mataray na sabi ni Charice. Tinawanan lang namin siya.

Masaya ako na nagpa surgery si Abby at naging matagumpay ito kahit nag 50-50 siya.

Mabilis siyang lumapit kay Liza at kinuha si Baby Aubrey at nilaro laro. Si Baby Aubrey ang dahila kung bakit kami nagkabati bati.

Third year college kami ng mabuntis si Liza. Hindi namin alam ang gagawin noon. Nasaktuhan naman na noong nagdadrama si Liza nakita siya ni Abby. Hindi siguro natiis si Liza na nasa ganoong sitwasyon kaya nilapitan niya. Nagulat pa nga ako ng pumunta sa bahay kasama si Liza at pinagalitan ako. Akala niya iiwan ko sa ere si Liza. Yun pala ang nasasabi pa lang ni Liza ay ako ang ama ng dinadala niya at si Abby naman nagconclude agad. Yun ung first time na nag usap ulit kami. Syempre sinermonan muna kami ni Abby bago kami masermonan ng mga parents namin. Nakakatuwa na lang isipin ngayon ang mga pinagdaanan namin.

May sarisarili na kaming trabaho. Katulad ngayon naka corporate attire pa si Abby. Mukhang may pasok pa rin sa araw ng mga patay.

"Baby Aubrey say Hi to Lola." Abby. Nandito nga pala kami sa puntod ni Tita Marie. Mama ni Abby.

.

.

.

.

.

Abby's POV

Nasa cemetery kami ngayon. Dinadalaw ko si Mama. Noong isang taon lang siya nawala. Masakit pa rin pero wala ng akong magagawa. Nagkaroon siya ng komplikasyon sa liver na hindi namin agad naagapan.

"Baby Aubrey say Hi to Lola." Sabi ko habang nilalaro laro ko siya. Hagikhik lang naman ang sinagot niya sakin.

Nagulat ba kayo na buhay pa ko. Ako din hindi ako makapaniwala na malalagpasan ko ang surgery na yon. Nagpapasalamat rin ako sa mga tumulong sa gastusin. At yun ay ang parents ni Zach. Noong una ayaw ko pa tanggapin ang tulong pero parang sila pa kasi ang nagpi'please para pumayag ako kaya nahiya ako at sumang ayon na lang. Naawa na rin ako kay Mama na kinukulit ako ng kinukulit at nagpapasalamat ako na buhay pa ko ngayon dahil sa pangungulit nila.

Kring! Kring! Kring!

Sinagot ko ang tawag.

"Hello?" Ako

"Where are you?" Nadismaya ako sa tumatawag. Hanggang araw ba naman ng mga patay.

"At the cemetery, Sir." Bored na sabi ko. Kung hindi ko lang talaga 'to boss at hindi lang siya CEO at syempre kung hindi mataas ang sweldo matagal ko na 'tong nilayasan.

"I need you here in my office." What the? I need to do something ayaw ko nga! Free day ko ngayon.

"Sir, cha-chapi k-kayo! Toot." Pinatayan ko siya. Hehe. Napaka workaholic minsan tuloy nadadamay ako. Tinakasam ko ma nga lang e.

Napatingin ako kina Zach at Liza na ngayon ay may Baby Aubrey na sobrang cute.

Kung tatanungin niyo ko kung mahal ko pa siya. Oo ang sagot. Hindi na siya naalis sa sistema ko. Mahal ko pa siya pero tanggap ko na simula ng magkaayos ayos kami. Pwede pala yon matanggap mo na lang. Siguro dahil wala talagang pag asang maging kami. Nasanay na rin siguro ako na lagi silang magkasama ni Liza. Siguro din tatanda na lang akong dalaga na si Zach pa rin ang gusto. Haay! Ang boring ng buhay ko.

Kung tatanungin niyo rin kung nagsisisi ako sa mga nangyari sakin dati. Hindi ko pinagsisisihan yon. Nang dahil sa mga pangyayaring yon madami akong natutunan. Katulad ng wag nating ipilit ang mga bagay na hindi naman nakalaan para satin. Pwede tayong sumubok pero wag tayong magpaka t*ng* hanggang sa huli. Katulad na rin ng hindi natin alam kung hanggang saan ang itatagal natin sa mundo. Ang  isa pa ay kapag nagmahal tayo hindi natin masasabi kung masusuklian ng taong mahal mo ang maaari mong ibigay may mga bagay na kailangan nating tanggapin kahit masakit. Pero ang isang aral na hindi ko makakalimutan ay.... Kapag sumugal ka hindi mo alam ang kahihinatnan nito maaaring positibo o kaya negatibo ang maging resulta. Katulad ng nangyari sakin. Sumugal ako sa pag ibig pero natalo ako. Sinugal ko ang buhay ko at ngayon nabubuhay pa ko ng mas matagal. Ang buhay talaga ang daming sorpresa no? May mga sorpresa pa kayang dadating sa buhay ko? Sana meron pa ung sorpresang makakapagkompleto sa buhay ko. :)

.

.

.

.

Leave some comments, Guys. Last na naman 'to. ^_^

Pinag iisipan ko kung may book 2. :) Dito ko rin siya ipapublish if ever na meron. Kaya kung gusto niyo lagay niyo lang 'to sa library niyo. :)

Bye. Mwah! :*
ⓒIrisMossis

S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon