"Nice to see you again, Abby Fae."
Abby Fae's POV
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko alam kung pang ilan na ito. Kasisimula pa lang ng araw ay nakakarami na ako.
Hindi ko na rin alam kung ilang minute na akong nakatayo sa harap ng pintuan ng opisina ng boss ko. Kaninang kanina ko pa gusting pumasok pero wala akong lakas ng loob.
Hindi ko na yata siya kayang makita matapos ang nangyari sa Palawan. Pinilig ko ang ulo ko para hindi na maalala ang nangyari ng panahong iyon.
"Kaya mo 'to, Abby! Ibibigay mo lang naman sa kanya 'to tapos its all done!" Nagbuga ulit ako ng hangin para kumuha ng lakas ng loob.
Napapikit ako ng kumatok ako sa pintuan. "May I come in? It is me Abby." Saad ko.
Binuksan ko ang pinto ng wala akong marinig na kahit anong pagtugon. Nabungaran ko ang nakatayong si Fabian at parang di makapaniwala na nasa harapan niya ako.
Sino bang hindi magugulat na nandito ako. Tatlong araw akong hindi pumasok simula noong bumalik kami galing Palawan. Hindi niya ako masisisi dahil sa ginawa niya.
Kung hindi lang ako matinong tao baka hindi ako bumalik dito at magbigay ng resignation letter. At dahil responsable naman akong tao gagawin ko ito ngayon.
Naglakad ako palapit sa table niya dahil hanggang ngayon ay nakatulala lang siya sa akin. Sinundan niya ang bawat galaw ko gamit ang mga asul niyang mga mata.
Inilapag ko sa table niya ang resignation letter at sinalubong ang mga titig niya. Nakaramdam ako ng matinding kaba ng tuluyang magtagpo ang aming mga mata. His eyes are full of longing for someone."I just came here to give my resignation letter. I am sorry I cannot work to this company anymore." Formal kong sabi.
"Abby Fae.." Kita ko ang unti-unting pagguhit ng sakit sa kanyang mga mata. Parang may kung ano namang tumukso sa aking dibdib pagkakita ng mga matang iyon.
Tinalikuran ko na siya at maglalakad na sana ng humarang siya sa dadaanan ko.
"Please, Abby Fae don't do this." Puno ng pagsusumamong saad niya. Napaka amo ng asul niyang mga mata.
Napaatras ako ng ambang hahawakan niya ako. Tumigil sa ere ang kanyang kamay. Ibinaba niya at tumingin sa akin ng diretso.
"I will not touch just don't leave me, okay? Stay here." Dahan dahan at maingat niyang sinabi ang mga salitang binitawan niya na para bang may kung anong mababasag kapag hindi niya iyon ginawa.
"I can't." Sabi ko at nilagpasan niya.
"Abby Fae!" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang basag niyang boses. May nag uudyok sa akin na lingunin siya pero pinigilan ko ang aking sarili .
"Please, don't leave. I'll never touch you. I'll never manipulate you again. I'll do whatever you want. I promise ... just stay, don't leave me, please." Napapikit ako sa pagsusumamo niya. Parang may kung anong matulis na bagay ang tumutusok sa dibdib ko ngayon. Nakokonsenya ba ako? Awa ba ang ibig sabihin noon? Hindi ko alam, hindi ko alam.
Nagulat ako ng biglang may lumuhod sa harapan ko. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat.
"F-Fabian, get up." Hindi ko kita ang mukha niya dahil nakayuko siya. Gusto ko man siyang hawak para itayo pero natatakot ako, natatakot akong hawakan siya.
Hindi ko inaasahan na kaya niyang gawin ito. Gaano niya ba ako ka-gusto? Bakit kaya niyang lumuhod ng ganito.
"If you stay I'll do what you want. Just stay and I will never ever touch you again. Just be .... my s-secretary. K-kontento na ako doon." Napakagat ako sa aking labi dahil sa mga naririnig ko sa kanya. His voice, it's not normal, it's full of entreaty.
BINABASA MO ANG
S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETED
Ficção AdolescenteSeason1: After all, I'm Just A Rebound Naranasan mo na bang maging rebound? na magpakatanga? Kung ako ang tatanungin isang malaking OO. I take the risk, nagbabaka sakali ako na sa huli ako ang mamahalin niya. Hindi naman masamang sumugal diba? Ang...