Love #4

918 26 7
                                    

"I love you, Abby Fae. If this is a dream I don't want to wake up. I want to stay like this forever."

Abby Fae's POV

Ilang araw na ang nakalipas noong mangyari ang birthday party ni Zach na may hind kapani-paniwalang nangyari. Yung first ko! Nawala na lang ng hindi ko inaasahan.

Hindi na rin namin yon napag usapan ni Sir Fabian. Kahit ako naman ayaw ko na yun pag-usapan. Buti na lang hindi niya na inungkat. Para ngang walang nangyari. Balik ulit sa dati. Pagdadating ko may bouquet of flowers at chocolates sa mesa ko.

Ang dami ko ng chocolates sa ref. Bakit hindi ko binabalik? Naiipon lang siya sa table ko. Kapag binalik ko dumodoble ang binibigay niya kaya no choice ako.

"Abby Fae, what's my schedule for today?" Matang nakatingin sa akin ang mapupungay na asul niyang mga mata.

Napalunok ako dahil hindi pa rin maalis sa isip ko ang pagkuga niya sa first kiss ko. Sinamantala niya ang kahinaan koooo.

Dapat talaga sinampal ko siya noon kaso wala naman akong nagawa kasi mahina nga ako ng mga panahong yon. Sinamantala niya talaga ang kahinaan kooo.

"Abby Fae." Nagtataka na siya ngayon.

Ay! Yung schedule niya nga pala for today.

"Sorry. This morning you have meeting in the conference room...." Sinabi ko pa ang iba niyang meeting at mga gagawin.

Nakatalikod na ako at paalis na ng tawagin niya ko. Kaya humarap ako.

"Yes, Sir?" Nginitian ko siya ng bahagya.

Tumayo siya at lumapit sa akin na ikinabigla ko. Inatake ako ng kaba. Natrauma na ata ako.

Pinilit kong maging normal at hwag umatras.

"Abby Fae."

"Yes, Sir?" Ulit ko.

Bumuga siya ng hangin at ang mga mapupungay at asul niyang mata ay seryosong nakatingin sa akin.

"About what happened at the party of your bestfriend." Ghad! Kailangan pa bang ungkatin yon. Ilang araw na ang nakakalipas diba. Pwede bang kalimutan nalang?

Hindi ko nagawang makapagsalita pero sinigurado kong normal pa rin ang ekspresyon ko.

"Abby Fae, I want to tell you that I am not sorry for kissing you that night. H'wag mo sanang isipin na sinamantala ko ang pagkakataon." Hinawakan niya ang braso ko kaya napa-igtad ako.

Umatras ako para mabitawan niya ko. Nagtagumpay naman ako.

Kita ko ang hindi pagsang-ayon sa ginawa ko.

Nginitian ko siya. At nagsalita ng normal. "Its okay, Sir. It's not a big deal, anyway."

Kumunot ang noo niya na nagpapakita ng hindi pagsang-ayon.

"Not a big deal? But I think its your first kiss." Hindi ko napigilan ang pamumula. Tsk! Nakakainis!

"You're blushing." Tuwang tuwang sabi niya.

"Normal lang yan, Sir. Syempre babae ako pero hindi ibig sabihin ng pamumula ko, na may nararamdaman ako sayo, Sir Fabian." Pormal ko pa ring sabi na kinakunot ng noo niya.

"At sisiguraduhin ko pong hindi na ulit yon mangyayari para walang maging misunderstanding." Nginitian ko siya at nagpaalam na aalis. Pero bago pa ko makaalis sa harap niya ay hinawakan niya ang magkabilang braso ko at inilapit ang kanyang mukha sa akin.

S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon