Chapter #5
"H-hindi ko alam."
Abby's POV
"Zach, bilisan mo naman wag babagal bagal!" Sigaw ko. Parang pagong e. Andito ulit ako sa kanila para sa kaalaman niyo.
Sembreak na pala kami ngayon. One month na kami. Biruin niyo yon! Wag niyo na lang ipakwento ang mga nangyari nang nakalipas na one month. Masaya na may halong lungkot kung minsan. ^__^ Tsaka madami na rin ang pinagbago ng relasyon namin. Yiie.
"Tara na." Masungit na sabi ng Zach na to. Ayaw niya lang sa pupuntahan namin. Mag eenjoy lang naman kasi kami sa beach resort dami pa angal.
Hindi ko rin kasi matanggihan ung nag- invite samin.
*Flashback*
"Hi, Abby?"
"H-Hello, Liza." First time niya ko lapitan simula nang err magbreak sila ni Zach.
"Nasaan si Zach?" Masigla niyang sabi.
"Huh?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ako makapagsalita. Babawiin niya ba si Zach. Parang may tumusok sa puso ko sa ideyang iyon. No! Hindi ako papayag. Malaki na ang improvement na relasyon namin kahit alam kong hindi pa tuluyang nakaka move on si Zach.
"He-he. By the way, gusto ko lang iinvite kayo sa sembreak. Malapit na naman yon diba? Birthday ko kasi next next week. Sama kayo sa *toot* beach resort." Masayang masaya niyang sabi.
"He-he. A-ano pag iisi---." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"Please, Abby . Once a year lang naman ako magbibirthday tsaka lahat ng classmates natin invited. Hindi pwedeng kayo lang ang wala. Please."
Masayang masaya niyang sabihin. Paano ba ko makakatanggi sa ganito? Haaay!
"S-sige."
"Yey! Asahan ko kayo ah. I'll send you the details kung kailan. Thanks. Puntahan ko lang ung iba iinvite ko din. Bye."
Sasama kaya si Zach? Pansin ko na iwas na rin siya kay Liza.
*end of flashback*
-beach resort-
Ipinikit ko ang mga mata ko pagtuntong ko sa buhangin. Ang fresh fresh ng hangin. Haaay! Idinipa ko pa ung mga kamay ko. Feel ko na talaga ang sembreak.
"OA mo." *death glare* panira talaga ang isang to. Kanina pa to badtrip e mandamay ba. Pinilit ko lang kasi siya. Hehe. Sinabi ko pa nga na magbebreak kami paghindi siya pumayag kaya ayon! Pero isa lang ung malaking JOKE! Ang totoo talaga niyan hindi ako umalis sa kanila hanggat hindi siya pumapayag. Hanggang 12 am nga ko sa kanila kung hindi siguro yan pumayag o mas tamang sabihing napilitan hindi ako aalis sa kanila. ^_^
"Bilisan mo nga dyan." Zach habang dala dala ung mga gamit namin. One and a half day lang kami dito sa beach resort.
"Wait lang. Finifeel ko pa ung kagandahan ng beach resort." Nagpapadyak naman ako habang nakasunod sa kanya ang kj niya. Humanda siya sakin mamaya *evil smile* hindi pwedeng hindi siya mag enjoy.
"Hi,Abby. Hi Z-zach." Si Liza yan nasa tapat na siya nung resthouse na tutulugan namin. Ang laki nang rest house.
Nilagpasan lang siya ni Zach.
"Hi Liza. Pasensya kana sa kasama ko may buwanang dalaw." Bulong ko kay Liza.
"Hehe. Mukha nga. Andyan na ung iba sa loob." Pinilit niyang ngumiti. Halata namang hindi niya gusto ang treatment sa kanya ni Zach. Sumunod na ko kay Zach sa loob.
BINABASA MO ANG
S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETED
Fiksi RemajaSeason1: After all, I'm Just A Rebound Naranasan mo na bang maging rebound? na magpakatanga? Kung ako ang tatanungin isang malaking OO. I take the risk, nagbabaka sakali ako na sa huli ako ang mamahalin niya. Hindi naman masamang sumugal diba? Ang...