"Fvck! I don't need your sorry, I want you to say you love me!"
Abby Fae's POV
Busy ako sa pagtatype sa laptop ko ng may maramdaman akong presensya. Nag-angat lang ako ng mukha nang tumigil ito sa harapan ko.
I saw Leonil George Mendez ang pinsan ng boss ko na isang cassanova. Mas mabilis pa ata magpalit ng babae kaysa sa damit niya. Oo, ganoon siya kababaero.
"Hi, Abby. Nandyan ba ang boss mo na pinsan ko na obsess sa kanyang secretary." Nakakaloko sabi niya bago tumawa ng tumawa.
"Andyan po siya, Sir. Sasabihin ko lang po kay Sir Fabian." Tinuon ko ang pansin ko sa intercom at hindi pinansin ang sinabi niya.
"Sir Fabian, Mr. Leonil is here."
"Send him in." Agad na sagot ng nasa kabilang linya.
"Sir, you may come in." Hindi niya ko pinasin. May tinitingnan siya habang naka-ngisi. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya.
He's staring at the bunch of flowers and box of chocolates in the left side of my table.
"Wala pa rin palang palya ang pinsan ko." Yumuko siya at tinukod ang mga kamay niya sa table ko para mas mapalapit sa akin.
Hindi naman siya ganoon kalapit. Nasa akin pa rin naman ang personal space ko.
Tinitigan niya ko kaya napaatras ako. "Sir, iniintay na kayo ni Sir Fabian sa loob." Hindi niya ko pinasin.
Ano bang problema nito sa akin? May dumi ba ko sa mukha?
Napansin ko na hawig sila ni Sir Fabian pero mestiso ito at kulay brown ang kanyang mga mata hindi katulad ni Fabian na kulay asul na namana niya sa mama niya na European.
"Why is my cousin so obsess with you? You're pretty but..." Ngumuso siya.
"Compliment o pang iinsulto yon, Sir?"
Malutong na halakhak ang pinakawalan niya. "You're so innocent. Nakikita ko 'yon. Mas bagay ka sa mga lalaking hindi hot tempered unlike my cousin. Pasasakitin lang ng pinsan ko ang ulo mo." Umarte pa siya na sumasakit ang ulo.
Napatawa ako dahil tama siya. Pinapasakit nga pinsan niya ang ulo ko.
Napatigil kami sa pagtawa ng may humila sa kanya patayo.
Kinuwelyuhan ni Sir Fabian si Sir Leonil kaya napatayo ako.
"Sir Fabian!" Hindi niya ko pinansin. Ang sama sama ng tingin niya sa pinasan niya. Anytime, pwede siyang makapanuntok.
"Damnit, Leonil! I told you she's mine." Sigaw ni Sir Fabian habang ngising ngisi si Sir Leonil.
"Chill, bro." At tinulak niya si Sir Fabian para pakawalan siya. Inayos niya ang damit niya at nagsalita ulit.
"I'm just checking the woman you love. You're so possessive, bro. Tara na sa loob." Tinapik tapik niya ang balikat ni Sir Fabian na hindi maipinta ang mukha.
"Bye, Abby. See you around." At kinindatan ako na ikinangisi ko. Hindi ko mapiligan ibang iba kasi silang magpinsan.
Pumasok na ito sa opisina ni Sir Fabian.
"Why are you smiling, Abby Fae?! Gusto mo ba ang babaerong yon?! Damnit! I already told you, YOU ARE MINE!" Iniwan na niya ko pagkasabi niya noon.
Napanguso ako. "Baliw, hindi ako sayo." Bulong ko pagkaalis niya at umupo na ulit.
Bumalik na ulit ako sa ginagawa ko.
Maya maya ay nagbukas ang pinto ni Sir Fabian at inuluwa noon si Sir Leonil.
BINABASA MO ANG
S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETED
Teen FictionSeason1: After all, I'm Just A Rebound Naranasan mo na bang maging rebound? na magpakatanga? Kung ako ang tatanungin isang malaking OO. I take the risk, nagbabaka sakali ako na sa huli ako ang mamahalin niya. Hindi naman masamang sumugal diba? Ang...