REBOUND #4
"Thank you for making me happy."
Abby's POV
- Saturday -
"Abby, Good morning. Nasa kwarto niya pa si Zac still sleeping." Still sleeping? Ang tagalog noon diba natutulog pa? Nawala ung ngiti ko ng marealize ko ang sinabi ni Tita.Hindi ba ngayon ung date namin? Tandang tanda ko pa pumayag siya e.
"Ganoon po ba tita. Sige po puntahan ko lang po siya." Sabi ko with my fake smile. Pinilit ko na ngumiti ng natural.
Lalakad na sana ko ng magsalita si tita.
"Ang ganda mo, Abby. Bagay na bagay sayo ang dress mo. Lalong maiinlove sayo ang anak ko." >///< Bakit parang may alam si Tita. Wala naman akong sinasabi e. At ano daw lalong maiinlove si Zach? Sana nga.
Pinaghandaan ko talaga 'to. Bumili pa ko ng dress at inayos ko pa ang buhok ko. Naglagay ng powder at konting lipgloss. Iyon lang kasi talaga ang nilalagay ko sa mukha at labi ko.
*open the door*
Napangiti ako ng mapaet ng makita ko ang tulog na tulog na si Zach. Tumingin ako sa relo. 8:00 am na.
Dahan dahan akong lumapit at umupo sa gilid ng kama ni Zach. Sapat para makita ko ang gwapong mukha ni Zach.
Alam mo Zach nasasaktan na naman ako. Kailangan ba talagang makalimutan mo? Baka naman excited ka tapos napuyat ka.
Naabuntong hininga na lang ako.
Bakit kahit sinasaktan mo ko ng paulit ulit mahal pa din kita. Mas minamahal pa kita yun nga lang mas nadadagdagan ung sakit. Bugbog sarado na siguro ang puso ko dahil sayo.
"Hmmmm." Nagulat ako nang bigla siyang gumalaw at nagmulat.
"A-abby?" Nginitian ko siya. Mabilis siyang umupo at napatampal sa noo niya. Masakit ba ang ulo niya which means hindi tuloy ang date?
"Sh1t! Tsk *tingin sakin* Sorry. I'll make it up to you. *tsup*." Mabilis siyang pumasok sa banyo.
Napahawak ako sa pisnging hinalikan niya. Para saan ba yon? >///< Mukha namang hindi masakit ang ulo niya bigla na lang nanghahalik e.
****
"Get in, Abby."
"Huh?" Nakita ko na nakabukas na ung pinto ng kotse kaya pumasok na lang ako. Buti pinahiram sa kanya ni Tita ung kotse.
"Masama ba pakiramdam mo?
"Huh? Hindi naman." Nabigla ako sa pagsasalita niya habang nagdadrive siya. May iniisip kasi ako. Bakit kasi parang wala lang sa kanya. >_
*Flashback *
-room-
"Abby." Sigaw niya sa may loob ng banyo.
"Bakit?"
"Pakikuha naman ako ng damit tsaka underwear."
"HUH!?" Napatayo ako sa pagkakaupo. Tama ba ung narinig ko? Hindi ba awkward na hawakan ko yun.
"Pakikuha ako ng undies, underwear. Nakalimutan ko sa pagmamadali tsaka damit narin. Tiwala naman ako sa taste mo."
"Uh.... S-sige. W-wait lang."
"Thanks!" Masigla niyang sabi.
Sinumulan kong pumili ng damit na susuotin niya at last ung ano niya. Yung underwear. Kumuha agad ako ng isa at mabilis na kinatok yung banyo at pasimpleng inabot sa kanya.
BINABASA MO ANG
S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETED
Teen FictionSeason1: After all, I'm Just A Rebound Naranasan mo na bang maging rebound? na magpakatanga? Kung ako ang tatanungin isang malaking OO. I take the risk, nagbabaka sakali ako na sa huli ako ang mamahalin niya. Hindi naman masamang sumugal diba? Ang...