Rebound #6

1.3K 20 0
                                    

Rebound #6

"May the best woman win."

Abby's POV

"Bilisan na natin kailangan nating matapos ung report." Kanina pang sinasabi ni Charice. Pang sampung beses na ata niyang sinabi.

"Matatapos na wag kang atat." Sabi ng isa naming classmate. Nainis na siguro kay Charice. Ingay- ingay kasi.

May pasok na pala kami ulit. Magdadalawang buwan na kami ni Zach. Ngayong araw nga ang monthsary namin ni Zach. Kaso nandito ako nagagawa ng report para bukas. Last minute na kami nagagawa kasi mga tamad kami. Hehe.

Ang mga ka-groupmates ko ay si Charice, James, Liza at ung isa pa naming classmates.

Iniiwasan ko pa rin si Liza kaso eto naman pinagsama kami ng tadhana.

"Ayy. Ubos na ung marker." Ung classmate namin na may kanya ng bahay. Dito kami nagawa sa kanila e.

"Ano ba naman yan? Malas. Ginabi na tayo, oo." Reklamo ni Charice.

"Bumili ka na lang kaya sa tindahan."

"Ako lang? Gabi na kaya baka marape pa ko dyan. Sa ganda kong to madaming magtatangka." Bakit ba may ganto kong Bestfriend. *face palm*. Iniisip ko tuloy pagnagka boyfriend to. Ano kayang mangyayari?

"Hindi kayo makasagot kasi totoo diba marer----."

"Tsk. Daldal mo. Halika na sasamahan na kita." Hinila na siya si James. Bagay ung dalawang un. XD

*kring* *kring*

Sinagot ko naman agad ung tawag. Si boyfie kasi un e. Hehe.

"Hello!" ^__^ Masigla kong sabi.

"Hindi pa kayo tapos?"

"Hindi pa e."

"Ang tagal naman niyan."

"Sandali na lang to. Matatapos na rin." ^__^

"Sige. Susunduin kita." >///< Hanggang ngayon ang bilis ko pa ring kiligin at mag blush.

"T-talaga?"

"Yeah. May pupuntahan pa tayo and happy monthsary." Yiie. >///< Pinakikilig na naman niya ko. Nasabi na niya yan kanina e.

"Happy monthsary din. Wait lang tapusin na namin to." I ended the call. Swear! Pulang pula pa rin ung mukha ko. Ibang iba na rin ung relasyon namin no. Lumelevel up na ng bongang bonga. ^__^ May pa sundo sundo pa siyang nalalaman pero napansin niyo ba walang I love you. Gustong gusto ka yon sabihin sa kanya ang kaso lang natatakot ako na wala lang siyang response. Baka masira lang araw ko.

"Yie. Monthsary niyo pala. Happy sa inyo." Sabi ng classmate ko.

"Salamat." ^__^

"Liza, Abby. Wait lang ah. Cr lang ako." Mabilis naman siyang umalis.

"Sige." Sabay naming sabi.

Kaming dalawa lang talaga maiiwan dito. Naku naman! Ang awkward pa din e.

"Monthsary niyo?" Nagulat ako ng magsalita si Liza

"Eh, Oo." Simpleng sabi ko.

"Two months?"

"Oo."

"Ahh. Going strong siguro ang relasyon niyo."

"Oo naman." Pinilit kong ngumiti. Nasaan na ba sina Charice. Ang tagal e.

"Sigurado yon. Maalaga kasi talaga si Zach." Nakangiting sabi niya. Parang inaalala pa niya nung sila pa ni Zach.

"Oo."

S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon