Rebound #2
"Susubukan ko, Abby."
Abby's POV
- Monday -
"Good morning, Tita!" Masiglang bati ko sa Mama ni Zach. Andito na naman ako. Hihi
"Ang aga mo naman ata, Abby."
"Susunduin ko po si Zach. Sabay na po kami sa pagpasok." Gusto kong sabay kami pumasok ni Zach. Four blocks lang naman ang layo ng bahay nila samin kaya okay lang maglakad ^___^
"Naku, Abby. Tulog pa ang susunduin mo. Kanina ko pa nga ginigising kaso ayaw naman bumangon." Tumingin naman ako sa watch ko. 6:40 na may forty minutes pa naman siya para maglakad at ung ten minutes na natitira para sa paglalakad namin papunta sa school.
Isa rin sa pinagbago ni Zach. Tamad na siya pumasok. Madalas na late samantala dati maagang maaga kung dumating sa school. Masakit man sabihin excited siya pumasok dahil kay Liza.
"Don't worry, Tita. Ako ang bahala sa lalaking yon. Puntahan ko lang po siya."
Umakyat ako sa second floor. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ng boyfriend ko(hayaan niyo na ah). Ayun ang sarap ng tulog. Balot na balot pa ng kumot hanggang leeg.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at inilapit ang bibig ko sa tenga ng tulog mantikang ito.
"GUMISING KANAAA! MAY SUNOG!!!" Mabilis siyang umupo sa kama. Muntik pa nga niya madali ang mukha ko dahil sa pagbangon niya.
"NASAAN! NASAAN ANG SUNOG!?" Takot na takot na sabi niya habang nakayakap sa kumot.
"BWAHAHAHAHAH!" Maiyak iyak na ko sa pagtawa. Grabe! Ang epic!
Umupo ako sa may kama. Masakit na kasi ang tyan ko katatawa.
"Kung makikita HAHAHA mo HAHAHA lang ang HAHAHA mukha HAHAHAH mo HAHAHA."
Tumigil na ko sa pagtawa. Kakapagod e. Para akong tumakbo ng tumakbo.
"Tapos kana tumawa?" Seryosong seryosong tanong niya.
Tiningnan ko naman siya. Pffft. Natatawa na naman ako pero pinigilan ko na. Seryoso na si Kuya e.,Hahaha.
Tumango lang naman ako.
"Tubig." Bigla ako nauhaw. Tinaas ko pa kamay ko para humingi ng tubig.
"Matapos mo ko tawanan, hihingi ka sakin ng tubig?"
"Oo naman, Dali abot mo na ung bottled water." Buti meron siya ditong ganoon. Malapit kasi sa kanya ung bote.
"Ibang klase." Sabi niya habang inaabot ung tubig. Ininom ko naman agad.
"Refreshing! Oy!" Turo ko sa kanya.
"Ano!?" Irita na siya.
"Sungit mo. May buwanang dalaw? Tumayo kana dyan. Maligo kana. Malalate na tayo sa kakupadan mo."
"Psh!" Tumayo naman agad siya.
Whaaa! Gosh! Hindi ako ready. Bakit half naked ang isang 'to? Agang aga ganito ang makikita ko. Sabagay umaga nga naman kamay makakakita ka ng pandesal. Yummy pa naman ang pandesal pag umaga.
"Oy! Sarado mo nga yang bibig mo." Natauhan naman ako bigla. Nakakaasar ung ngiti niya.
"Excuse me, hindi ako natatakam este nakanganga no. Iyan! Iyan ang pinagmamalaki mo? *turo sa yummy niyang pandesal* Monay lang yan, walang kapandepandesal."
"Hoy! Pinaghirapan ko 'to. Hawakan mo meron yan."
O_O
>///<
BINABASA MO ANG
S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETED
Teen FictionSeason1: After all, I'm Just A Rebound Naranasan mo na bang maging rebound? na magpakatanga? Kung ako ang tatanungin isang malaking OO. I take the risk, nagbabaka sakali ako na sa huli ako ang mamahalin niya. Hindi naman masamang sumugal diba? Ang...