Love #8

572 16 2
                                    

"You're trembling. Are you afraid of me or ..... are you having ..... feelings with me?"

Abby Fae's POV

"Nice to see you again, Abby Fae." Saad niya na parang napaka-tagal niya akong hindi nakita.

Pinutol ko ang titigan na namagitan sa amin. Bigla na lang nag-iba ang timpla ng tyan ko parang may kung ano yata akong nakain. Kay bilis rin ng tibok ng puso ko. Trauma ba ang tawag dito?

"Fabian, upo ka." Magiliw na sabi ni Charice. Pasimple kong hinampas ang braso niya. Pinanlakihan niya ako ng mata kaya pinanlakihan ko rin siya ng mata.

Umupo si Fabian sa couch na nasa harap ko. Ang mesang kahoy ang nagsisilbing pagitan sa aming dalawa.

"Fabian, here's your invitation. Salamat sa pagpayag at pagsadya mo pa dito. Pupuntahan na lang sana kita kung nasaan ka kanina but you insist to go here. Mabuti hindi ka naligaw." Saad ni Zach. Akala ko ba busy siya? Samantalang ako, pinapunta niya pa dito pero sabagay mas gusto ko naman na pumunta dito para makita si Baby Aubrey.

"I am on my way home when I got a call from you so I decided just to go here." Sinulyapan niya ako kaya pasimpleng umiwas ako ng tingin sa kanya. Excuse me, hindi ko siya tinititigan.

Masaya kami este sila na nagkwentuhan. Para silang mga close sa isa't-isa kung mag-usap. Nagkikita ba silang tatlo ng hindi ko alam? Minsan ay sumasabat ako kapag kinakausap nila ako. Ewan ko ba, hindi kasi ako mapakali sa upuan. Gusto ko ng umuwi pero ang weird naman kung aalis na lang ako agad. Maya-maya ay dumating si Liza at tumabi kay Zach.

Nakita ko kung paano sila ka sweet sa isa't-isa. Nahuli ko na nakatingin sa akin si Fabian, napa-nguso ako sa paraan ng pagtitig niya. Mapanuri ito. Nailang ako kaya nag-iwas na lang ako ng tingin. Naka-ilang iwas na ba ako?

Ilang saglit lang ay inaya kami nina Liza at Zach na dito na maghapunan. Syempre hindi kami tatanggi ni Charice. Maging si Fabian ay dito na rin maghahapunan.

Pumunta na kami sa dining area. Umupo na ako, katapat ko si Charice. Ang mag-asawa naman ay magkatabi. Naka upo si Zach sa dulong bahagi ng table at nasa gilid si Liza.

Naramdaman ko na may umupo sa tabi kong upuan. At hindi ko na kailangan sabihin kung sino iyon. Naamoy ko pa ang mamahalin niyang pabango ng bahagya siyang lumapit sa akin para maka-upo.

Pasimpleng umubo si Charice na parang nanunukso. Kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Heto na naman ang pagragasa ng kaba sa aking dibdib. My heart races so fast. What's happening to me?

Pagkatapos naming magdasal ay nagsimula na silang kumain. Sa totoo lang ay hindi na naman ako mapakali. Mas gugustuhin ko pang kumain sa sala ng mag-isa kaysa kasama sila dito. Bakit mas gusto ko doon? Hindi ko rin alam! Basta ang alam ko gusto ko na doon na lang ako mag-isa.

"Hoy, Abby. Wala ka bang balak kumain? Parang kanina excited na excited ka kumain."

"Ha? Hindi ah!"

Napaigtad ako ng may nagsalita sa gilid ko. "What do you want, Abby Fae? Rice?" Tumingin ako kay Fabian. Mali na ginawa ko iyon dahil lalong nataranta ang buong sistema ko.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Nagmamadali kong kinuha ang lagayan ng kanin na naging dahilan para matabig ko ang aking baso.

Natatarantang hahawakan ko na ito para hindi matapon ang tubig nang isang kamay ang nahawakan ko na nakahawak na pala dito.

Napapasong nilayo ko ang kamay ko dahil alam ko kung kanino ang malambot at mainit na kamay ang nahawakan ko. Hindi ko tumingin kay Fabian. Ayaw ko! Baka mamatay na ako sa mabilis na tibok ng puso ko kapag sinulyapan ko pa siya.

S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon