Rebound #7
"Mahal kita pero mas mahal ko siya."
Abby's POV
Nanginginig ang tuhod kong naglakad ako. Handa ba ko sa maririnig ko? Kaya ko to. Nagbabadya na naman ang luha ko. Kayanin mo, Abby. Face the reality.
Naglakad ako at dahan dahan kong binuksan ang pinto.
Napatigil ako sa pagpasok. Nakatayo lang si Zach habang nakayuko. Makita ko pa lang siya nasasaktan na naman ko. Naalala ko ung mga nakita at narinig ko kanina.
Pumikit ako at bumuntong hininga ng malalim. Kaya ko to.
"Zach." Tawag ko ng nasa likuran niya na ko.
"Abby." Gulat na napatingin siya sakin.
Ngayon ko lang naisip paano ba ko magsisimula. Kailangan kong magsalita. Nandito na rin lang naman ako.
"Zach, alam mo namang mahal kita." Hindi ko alam kung bakit yon ang nasabi ko. Siguro kasi yon talaga ang nararamdaman ko.
"Abby." Mahina niyang sabi. Yan na lang ba ang kaya niyang sabihin.
"Alam mo na siguro yon at nasabi ko na rin sayo. N-nakita ko k-kanina lahat." Napa iyak na ko. Hindi ko na kaya. Masyadong masakit. para kong binuhusan ng malamig na tubig.
Umiwas siya ng tingin na parang hiyang hiya siya at litong lito.
"At n-naka usap ko rin siya k-kanina. Hindi ka pa daw nakakapagdesisyon. A-ako naman diba?" Please ako ang piliin mo.
Tuwing nakikita ko siya parang gusto ko magpaka selfish. Ayaw kong mapunta siya sa iba.
Tiningnan niya ko pero sandali lang at umiwas naman ng tingin. Parang hirap na hirap siya.
"Magsalita ka naman." Nilapitan ko siya at hinawakan ang isa niyang kamay.
"Ako naman diba." Hinawakan ko ang pisngi niya para iharap ang mukha niya sakin. Nagtama ang paningin namin.
Papaiyak na rin siya. Hindi ko alam kung para saan yon.
"Magsalita ka naman, Zach." Naiyak na sabi ko. Gusto kong malaman. Umaasang ako na ako ung pipiliin niya. Two months kong pinaramdam na mahal ko siya. Sapat naman siguro yon. Hindi ba? Tinulungan ko siya sa abot ng makakaya ko.
"S-sorry." Napabitaw ako sa pagkakahawak sa pisngi niya. Mas lalo akong nanghina sa narinig ko.
Ayaw kong paniwalaan ang nasa isip ko. Hindi! Hindi ko kaya. Sobrang sakit. Nanlalamig ung kamay ko.
"S-sorry, Abby. Hindi ko na kayang saktan ka akala ko makakalimutan ko si Liza." Napakuyom na lang ang kamao ko.
"H-hindi yan totoo diba?" Ayaw ko maniwala. Masyadong masakit.
"S-sorry.. S-siya pa rin k-kasi." Tumulo na rin ang luha niya.
"H-hindi mo kailangan magsorry. Hindi naman totoo diba? Hindi naman diba?" Hinawakan ko siya sa balikat. Ayaw kong mawala siya. Akin lang siya.
"Abby, Listen." Titig na titig sakin na sabi niya. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko.
"Itigil na natin to. Mas masasaktan lang kita pagtinuloy pa natin. Ayaw ko ng saktan ang bestfriend ko."
Mas lalo ako umiyak. Umiling iling ako. Hindi ko kaya. Hanggang ngayon bestfriend pa rin pala. Parang sinampal ako. Sinampal ng katotohanan na si Liza pa rin pero ayaw tanggapin ng sistema ko.
"M-mahal mo naman ako diba, Zach? Nararamdaman ko." Alam kong meron na rin. Yun lang ang pinanghahawakan ko.
"M-Mahal kita pero m-mas m-mahal ko siya." Masayang malaman pero yon na rin ata ang pinaka masakit na narinig ko. Mahal niya nga ko pero hindi sapat para hindi niya ko iwan. Masakit pero tatanggapin ko wag niya lang ako iwan.
BINABASA MO ANG
S1: After all, I'm Just A Rebound S2: After All, I still Love You- COMPLETED
Teen FictionSeason1: After all, I'm Just A Rebound Naranasan mo na bang maging rebound? na magpakatanga? Kung ako ang tatanungin isang malaking OO. I take the risk, nagbabaka sakali ako na sa huli ako ang mamahalin niya. Hindi naman masamang sumugal diba? Ang...