"Aray…" Boses ng batang babae yun ah? Yung batang nasa arcade?
Because of that thought, I quickly opened my eyes and saw the little girl... with an incomplete body.
"BATA!" Tumingin sakin yung batang babae. Nilapitan ko sya.
"K-k-kuya, si a-ate nas-s-s-aan…" Umiiyak na sabi ng bata.
"Ssh wag kang umiyak. Hahanapin natin ate mo." Nakatingin lang sakin yung bata habang umiiyak. Ngayon ko lang napansin na wala pa rin yung lower body ko. Ganun rin yung sa bata.
"Bata, anong pangalan mo?" Iibahin ko na muna yung topic.
"Sum po, kuya." Nakatingin naman sya ngayon sa nawawalang paa nya.
"Ako naman si--"
"Alam ko po totoong pangalan nyo kuya. Lagi ko po kayong nakikitang tumatambay sa arcade." Ngumiti naman sya sakin at tumungo dahil sa hiya."Hehe, sorry po kuya."Nakakagulat dahil alam nya real name ko.
"Ah. Okay lang yun, Sum." I pat her head para macomfort sya.
"Kuya nasaan po ba tayo? Saka bakit ang dilim at ikaw lang nakikita ko? Bakit di ko po nakikita yung paa ko?" Sunod sunod nyang tanong sakin.
Paano ko ba ipapaliwanag sa batang to na nawawala ang paa nya at ni hindi ko alam kung naasan kami? Baka mapagkamalan pa akong kidnapper neto.
"Ahmm, Sum, nasa--" Naputol yung sasabihin ko nung may narinig pa akong isang pamilyar na boses.
"Bro, gising, BRO!" Yung dalawang lalake na nasa arcade. Mukhang di pa gising yung lalakeng nagpapabili sa kanya dati ng game.
"Kuya, puntahan po natin sila." Gumapang kami papunta dun sa dalawa.
Natatawa ako dahil mukha kaming mga bulate kakagapang. Hahahaha!
*after… crawling? Hahaha. Sorry di ako makaget over sa pag gapang*
After crawling towards their direction, we managed to make his friend awake. Nagpakilala samin yung dalawa.
Yung kagigising lang ay si Tax, yung gumigising sa kanya ay si Eon.
Napag usapan namin kung anong huling naalala namin. At iisa lang ang dahilan.
Dahil sa game.
Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap naming apat ng bigla kaming nakarinig ng boses ng isang lalake.
"T-tulong, n-nasaan po ako?" Yung batang lalake na binilhan ng kuya nya.
"Bata, wag kang matakot. Dito ka na muna sa tabi namin." Sabi ko dun sa batang lalake.
Natatawa talaga ako dahil naeenjoy ko yung pag gapang ko na mukhang bulate kahit na may kamay kami.
"Kuya bakit ka po nakangiti?" Sabi ng batang lalaki sakin.
"Ahmm wala lang." Sabi ko sa bata.
"Anong pangalan mo?""Subtract po." Respond naman nya.
"Nice. Yung isa, Sum. Tapos ikaw, Subtract. Di ko alam na may math pala tayo. Hahaha." Loko loko tong si Eon.
"Tapos may alphabet tayo na letter A lang. Hahaha." Dagdag pa ni Tax.
Nagtawanan naman ang lahat.
Natigil naman ang lahat nang makarinig kami ng boses.
"Hello po?"
BINABASA MO ANG
The Fresh Blood (On Hold)
RandomThis is NOT a vampire story. Date created: September 3, 2016