Tax: BILIS! UMALIS NA TAYO DITO!
"Tax? Anong ibig mong sabihin?"
Hinahabol ni Tax yung hininga nya. Binangungot rin kaya sya katulad ko?
Tax: Paparating na ang mga blood suckers. Soon enough patay na tayo dito pag hindi tayo tumakas!
F*ck. Nakulangan kami sa oras?
"Hindi sila nagigising. Pero si Babae kanina oo, natulog lang ulit."
Kumunot naman yung noo ni Tax.
Tax: Bakit ka nagising? Binangungot ka rin ba?
"Oo. Kaso kailangan kong ilagay yung code para lang magising ako." Nightmares. Nakakairita talaga, yung tulog na nga lang ang pagkukuhaan mo ng lakas, sisirain pa.
Tax: Hintayin nating ilagay nila ang codes. Kapag nakapasok ang mga blood suckers, patayin natin.
"Tax, ano yung napanaginipan mo? Parehas lang ba tayo?"
Tax: Yeah.
Short reply, dude. Tipid.
"May paraan ba para gumising sila?" Come on dude. Minsan lang ako mangulit at dumaldal kaya habaan mo ang sagot mo.
Tax: Wala.
Malalim ba ang iniisip neto? Suplado? Mainit ang ulo? Bakit ba ako may pake?
Nababakla na ako?!
"Tax..."
Tax: Ssh. Wag kang maingay.
"Tax, bakit ang su--"
Tax: Humanda ka na, paparating na sila!
Tumayo agad si Tax at hinanda ang weapon nya. Hinanda ko na rin agad yung sarili ko at sinuot ang bag.
Mamaya na nga lang ako magtatanong kay Tax. Tsk.Binuksan ni Tax yung pinto at sinimulan yung pag slash nya sa mga blood suckers.
Tax: A5! Kaya ko na dito sa pinto! Dun ka na sa bintana!
Binilisan ko yung kilos ko papunta sa pinto. Bad trip! Ang dami nila!
Bakit kasi ang hirap hirap ng game na 'to? Pag nakalabas talaga ako dito, susunugin ko ang factory kasama ng game creator neto!
Dadalawa lang kami ni Tax na gising tapos madaming mga halimaw? Outnumbered kami! Hindi pa nga yata ako nakakuha ng sapat na lakas eh. Tsk.
Subtract: Anong nangyayari?
Tax: Subtract? Mabuti-- shit. Mabuti gising ka na. Argh! Makakatulong ka ba?
"Tax, bata pa lang yan! Baka may mangyari sa kanya. Sino ang tutulong sa kanya kung busy tayo dito?"
Subtract: Kaya ko naman eh. Saka bata nga ako pero mas malakas pa ako kesa sa kanila.
Tax: Sige dun ka sa isa pang bintana.
"Tax, pero--"
Tax: Hayaan mo sya.
Hindi na lang ako nagsalita. Ayokong humaba yung usapan. Ayokong mag away kami.
Sum: Kailangan na nating umalis dito!
Gising na rin pala si Sum. Sina Eon at yung Babae na lang ang hindi pa.
Kailan kaya makakabangon si Eon?Tax: Sht. Di ko na kaya!
Subtract: Kuya! Masyado silang marami!
"Hindi ko na rin kaya! Sum. Maghanap ka nang ibang madadaanan!"
Sum: Susubukan ko.
Habang nakikipag patayan kami sa mga blood suckers ay binibigyan naman namin ng oras si Sum para maghanap ng malulusutan.
Naririnig ko yung pag basag ng mga pinggan, pagkausog ng mga upuan at mesa, pagka parang gusot ng mga kumot, pati yata mga drawers kinakalikot nya. Pero pinaka nakakairita kong naririnig ay ang mga patay gutom na blood suckers at sht ni Tax. Hahaha, hays.
Sum: Good news po. May nakita akong butas. Kaso maliit! Isa isa tayong makakapasok lahat.
Tax: Pwede na yan. Sht.
Subtract: Sino pong mauuna?
"Gisingin nyo muna sina Eon at yung babae. Kanina pa sila natutulog!"
Sum: Subtract! Tulungan mo akong gisingin sila.
Subtract: Paano 'tong mga blood suckers?
"Ako na ang bahala. Sige na!"
Pinaubaya na sa akin ni Subtract yung isa pang bintana. Si Sum ang gumigising sa Babae tapos kay Subtract naman si Eon.
Sana pala hindi ko muna kinuha yung isang bintana. Ang hirap mag multi tasking. Argh!
Sum: Gising na po si Eon!
Subtract: Yung babae hindi pa po. Paano 'to?
Tax: Subtract, kaya mo ba dito?
Subtract: Opo.
Nagpalit sila ng pwesto. Si Subtract na ang nasa pinto.
Tax: Tol, gising. Gising na kung hindi, mamamatay ka! T*ngna mo tol!
Eon: Siraulo! Bakit ka ba nagmumura sa harap ng mga bata? Saka--
Sum: Umalis na tayo. Nahihirapan na silang pumatay!
Buti pa si Sum hindi manhid!
BINABASA MO ANG
The Fresh Blood (On Hold)
AcakThis is NOT a vampire story. Date created: September 3, 2016