Chapter 10: Codes?

2 0 0
                                    

Subtract: Kuya A5, ano pong iniisip nyo? Tara kain na tayo.
"A-ah? Sige."

Umupo ako sa isang royal chair na hindi pa occupied.

Pati ba naman ang mga upuan at plato, sakto sa anim?

Natapos na ang lahat sa pagkain. Nakatambak lang yung mga plato since walang lababo dito.

Sum: Bed timeee!

Tinapon ni Sum ang katawan nya sa kama at tumalbog. Tumalon talon naman sya na parang walang katapusan.

Naging isip bata naman si Babae kaya naman ginaya nya si Sum na tumatalon sa kama.

Si Subtract naman, dinadama yung lambot ng kama. Siguro iniisip nyang snow ang hinihigaan nya at para syang gumagawa ng snow angel.

Si Eon, pagulong gulong sa kama. Nilubog pa nya ang ulo nya sa unan.

Eon: Aaang lammmbooot…

Si Tax naman? Ayun. Chill. Nakahiga lang sa kama. Binabalik nya siguro yung lakas nya.

At ako naman, pinapanood sila habang nakaupo sa kama.

Dahil sa boring ang kaganapan, chineck ko ang table na nasa tabi ng kama ko kung may useful na gamit dito.

Three drawers. Red, blue, yellow. Tinignan ko yung tables ng iba. Iisa lang ang kulay at order ng mga ito.

Binuksan ko yung red. May number 198 sa loob.

Sa blue naman, 203. Sa yellow drawer, 208.

Para saan kaya ang mga numbers dito?

Teka, ano bang iniisip ko? Sino nga ba ulit ako? Nababaliw na yata ako!

Bumagsak ang mga kasama ko. Si Eon muna, tapos si Sum, tapos yung babae, tapos yung iba… Mga kasama? Akala ko mag isa lang ako?

Inaantok na ako…

---

Ang dilim. Nasaan ba ako?
Nag restart ba yung game kaya wala na naman akong paa?

What the. Gagapang na naman ako?
Pero saan naman ako ngayon pupunta?

"Bahala na." Gumapang na ako ng mabilis. Nakakarinig na ako ng mga gutom na blood suckers.

Hindi ko alam kung mabagal ba ang pag gapang ko o mabilis ang mga blood suckers. Kahit saan ako pumunta, parang walang nangyayari, parang useless yung pag gapang ko.

Parang may pumipigil sa akin? Hanggang sa may nakikita akong puting ewan sa may bandang kaliwa. Wala naman akong ibang nakikita bukod dun sa puti kaya naman gumulong na ako. Sigurado akong malapit na ako sa puting ewan.

"SHIT!" Putek! Nakagat ako sa kaliwang braso!
Ano nga ba ulit yung mangyayari sakin?

*flashback*

"Pwede naman tayong matulog dito kung makakatiis kayo sa mga malalaking peste na lumalabas tuwing sunset." Pagsingit ko sa usapan nila. Napatingin silang lahat sakin na nagtataka.

Sila: Malalaking peste?
"Oo, yung mga maliliit na blood suckers pero palm size."
Tax: I remember those. Level 48, looks like mosquitoes pero iba ang way ng pagkagat nila.
Eon: Paanong iba? Saka bakit di ko naaalala yun?
Tax: Pupunuin nila ng kagat yung katawan mo. Pag napuno na ng kagat ang katawan mo, hindi ka na makakagalaw dahil namamaga na ang buong katawan mo.

*end of flashback*

Kailangan ko nang magmadali!

Namumula na ang nakagat kong braso. Pinabilis ko na rin ang pag gulong ko papuntang kaliwa. Palakas ng palakas ang mga ungol ng mga halimaw.

Alam kong malapit na ako sa puting ewan. Palaki ng palaki ito. Pero sa bawat pag ikot ko, palaki ng palaki ang ineeffort ko gumulong.

"ARAY!" Nakaka asar na! Pati ba naman yung kanang braso ko?

Sakto namang nakarating na ako dun sa puti.

Para syang yung lock sa mga vaults na keypad ang style. Numbers 0-9 at 'Enter' button sa tabi ng number 0.

The Fresh Blood (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon