Habang tumatagal, pahirap ng pahirap ang paghinga ko. Bumabara na kasi yung sipon ko. Naglalaho na rin yung mga bagay sa paligid. Hanggang sa tuluyang dumilim.
Sabi ko nga. Wala talagang nagmamahal sa akin. Wala ring tumatagal. Games na lang talaga ang permanente sakin. Di rin magtatagal, mawawala na rin naman ako. At walang makakahalatang wala na ako kasi walang nagmamahal sa akin.
"Bro."
"Sino ka?"
Bakit parang nakakakalma yung boses niya? Medyo humupa yung pag iyak ko.
"Naging heartbroken ka lang, di mo na ako maalala."
"S-sino ka po ba?"
"Ako ang nagpakilala sayo sa video games. Di mo ba ako naaalala?"
Ah. Yung pinaka magaling sa grupo namin ng mga gamers.
"Kuya Killah, anong ginagawa mo dito? Kinokonsensya mo ba ako?"
"Ah yun? Hindi. Sisingilin sana kita, di mo pa binabayaran yung pustahan natin!"
Edi nangkokonsensya nga sya. Tsk. Di ko kasi siya binayaran. Ang pustahan kasi namin, hindi nagloloko yung ex ko.
"Joke lang. May naaalala mo pa ba yung isa sa mga rules nating gamers?"
Rules? Alindun? Andami kaya. Naalala ko nung una akong sumali sa kanila, ang dami niyang sinasabi. Kulang na lang maging isa siyang teacher na dinidiscuss lahat ng rules and regulations na nakasulat sa student handbook.
"Rule na dapat pinaka tandaan?"
"Rule na kapag natalo ka sa pustahan, matutong magbayad?"
"Hindi yun! Rule na kung saan ang laro ay isang laro. At kailanman, wag kang magpapalaro sa laro."
Hmm. Motto ko nga pala yun. Tama siya. Dapat pala inisip ko na part lang ito ng laro. Na hindi dapat ako magpadala sa bugso ng damdamin ko. Na dapat nag iisip na ako ng paraan.
"Salamat Killah?"
Wala na sya. Bigla namang umaalis yun.
Nagfocus na lang ako. Pinapakalma ko ang sarili ko. Iniisip ko na kaya ko lang itong talunin dahil laro lang ito. Nasa isip ko ang solusyon. Maya maya, unti unti nang nagliliwanag ang paligid.
Hindi man malinaw yung nakikita ko pero naaamoy ko sila. Hindi ko alam kung bakit, abnormal ata ilong ko. Nakita ko na rin sila sa wakas ng kumpleto. Pero nawala na yung amoy.
Mga nakalutang lang sila habang may usok sa mga paanan nila. Para silang mga binitay sa itsura nila. Mga nakapikit at nagsasalita mag-isa.
Pero naiyak na si Sum, hindi nagsasalita, at nilalamon ng kulay itim na usok unti unti sa paa.Inaatake ng level na ito ang kahinaan namin. Yung pinaka malulungkot at pinaka nakakaiyak. Kailangan lang nilang maging matatag. Dahil kung hindi, talo sila, at di na maaabutang buhay.
Sa totoo lang, namimiss ko ang ex ko. Pero nung lumabas si Killah, siya lang yung nagbalik sakin ng confidence, disiplina, at ang mismong sarili ko. Sa video games ako pinaka naging busy. Siya rin ang naglabas sakin sa pagiging loner. Pinakilala niya ako sa grupo niya. Tapos nalaman kong ikakasal na yung ex ko, pero di na ako affected. May kanya kanya na kaming buhay. Wala na rin namang paki sa isa't isa kaya okey lang.
"A5, ikaw ba ang pinaka una?" Nagising na pala si Eon.
"Ahmm, oo ata. Buti naman at gising ka na."
Eon: Oo nga eh, kung hindi, baka di ko na kayanin at maging emo na naman ako. Haha.
Yung tawa niyang pilit.
Eon: Sinong nakita mo dun?
"Yung ex ko. Pero naka move on na ako matapos nya akong iwan. Ikaw? Anong nangyari sa... kapatid mo?"
Nag iba yung itsura ng mukha niya at natulala. Mukhang mali yata yung sinabi ko.
"Okey lang kahit di ko saguti--"
Eon: Nakita ko siyang nasagasaan. Naghirap. At nawalan ng buhay. Kahit sabihin nilang aksidente lang yun, sinisisi ko ang sarili ko. Siguro kung hindi lang ako nakatulala nung nga panahong iyon? Baka nailigtas ko pa siya. O baka ako na lang sana ang namatay.
"A-ahmm c-condolence saka s-sorry."
Eon: Nah, okey lang. Aksidente lang yun... pero buhay ang nawala... pagsubok lang yun...
._.
Di na talaga ako magsasalita tungkol sa patay. Ang ingay ko talaga.
Eon: Hintayin na lang natin ang iba.
Tumango na lang ako dahil ayoko nang makadagdag pa.
BINABASA MO ANG
The Fresh Blood (On Hold)
RandomThis is NOT a vampire story. Date created: September 3, 2016