Chapter 20: Mira

3 0 0
                                    

Teka, bakit magkasama sina Killah, PrO at Mira? Gamer rin si Mira?

PrO: Teka Killah, kakain na rin ako.

Tumakbo naman si PrO papunta kay Killah at again, dinaanan na naman ako.

Mira: Sige iwanan niyo ako.

Sabi ni Mira at napatingin sya sa akin. Mali, sa dating ako pala.

Mira: Anong tinitingin tingin mo?

Wala. Ge.

Tinapon ng dating ako yung yosi at  lumakad paalis. Bumalik naman si Killah at may tinanong kay Mira.

Killah: So kailan mo akong balak sagutin?

Mira: Hmm... maybe if yung next kong suitor ay... hindi ka malalamangan.

Killah: May isa pa?! Ano ba kapagod na!

Mira: Don't worry, may nahanap na ako. I think, yung nakatingin sa akin na guy kanina? He likes me.

Killah: At paano kung hindi?

Mira:Well he has to like me.

At yun. Nag iba na naman yung scene. Teka? Ito yung alaala ko kung saan pinakilala ko si Mira... bilang girlfriend ko... kay Mom. Pero naka mute?

Nakita kong galit na galit si Mom habang tinuturo niya si Mira. Si Mira naman, parang papatayin niya sa titig si Mom. Tapos parang hinagod ni Mom yung buhok niya dahil sa disappointment. Bigla ko namang nakitang sumigaw yung dating ako. Si Mira, nakangiti? What the--? Si Mom naman, nagsimula nang mambato sa akin ng gamit at habang ako, m-minumura siya? Naaalala ko na. Pinalayas niya ako kaya naman umalis ako sa bahay kasama ng mga gamit ko at si Mira.

Nag iba ulit yung scene. Nasa apartment ako nun dahil nga pinalayas ako diba.

Nakahiga ako sa kama habang si Mira naman ay nakaupo sa tabi ko. Pinag uusapan pa namin yung nangyari sa bahay kanina.

Mira: So babalik ka pa ba sa inyo?

Hindi na muna. Papahupain ko muna yung galit ni Mom.

Mira: Kahit pabalikin ka niya?

Siyempre babalik ako.

Nag iba na naman yung mukha niya. Disappointed.

Mira: Labas na muna ako saglit. May tumatawag eh.

Sige.

Lumabas nga siya. Pero bakit kaya sinabi niya na may tumatawag kung siya ang nagd-dial?

Mira: Hoy. Matatagalan pa ako dito kay Thomas.

Killah: Bakit? Saka hanggang kailan pa ba?

Mira: Nag away sila ng nanay niya. Sinabihan ba naman ako ng manloloko! Kaya lumayas si Thomas at nandito kami ngayon sa apartment.

Killah: Anong plano mo ngayon?

Mira: Edi ipagpapatuloy ko itong ginagawa ko.

Killah: Bakit? Saka, di na ako makapag hintay na sagutin mo ako. Di na ako makapaghintay na maging akin.

Mira: Mayaman, may apartment, may nanay na mamamatay. Pag namatay si Thomas, sa akin mapupunta yung mga ari-arian. Edi masasagot na kita.

Mira, ok ka lang?

Mira: Yup!
Mira: Oh sige na bye. Bukas na lang tayo mag usap.

What the--? Yaman lang ang habol niya? Nakakaasar! Tama pala si Mom! Manloloko nga si Mira!

At, again, nag bago na naman ang scene. Pero naka fast forward? Yung scene yun ng... break up namin dati ni Mira. Dumiretso pala siya kina Killah.

Mira: Break na kami.

Killah: Oh eh bakit parang nag aalala ka?

Mira: Nakakaguilty kasi eh.

Killah: Matapos mong paasahin siya? At ang ibang lalaki?

Mira: Yung iba kasi, linggo o buwan lang.  Pero siya? Killah, nine years. Nine years ko na syang niloloko.

Killah: So ano? Isang araw nagising ka na may konsensiya? GANON BA? PAPAASAHIN MO NA NAMAN BA AKO?

Lumabas na lang si Mira sa bahay ni Killah.

Palabas lang pala ang lahat ng yun? Niloko ako ni Mira? At si Killah pa na tinuring kong kaibigan ang nanloko rin sa akin? Bakit? Paano nila akong nagawang lokohin at idamay sa kabaliwan nila? Hindi man lang ba gustong sabihin sa akin ni Killah ang tungkol dito? Alam rin ba ni PrO ang tungkol dito? Tinuring ko silang mga bro ko. Pero pinagtaksilan pa rin nila ako! Ano bang ginawa ko sa kanila?!

Nag iba ulit yung scene. Nasa park ako nun. At nasa likod naman sina Killah at PrO? Bakit kaya hindi ko sila nakita sa park? Oo nga pala, nagbreak kami ni Mira after a month.

PrO: Ayan na ha. Dinala na kita sa kanya. Pero tol, bakit mo nga ba siya hinahanap?

Killah: Hindi ka ba nakikinig sa kwento ko kanina? Ang sabi ko, gusto ko siyang maging kaibigan. Tutal pareho kaming nireject ni Mira.

PrO: Binasted ka niya??

Killah: Ewan ko sayo. Paulit ulit ka. Lapitan na nga natin siya.

Lumapit nga sila sakin. At yun ang naging dahilan kung bakit ako naging gamer. Kung paano ko nakilala sina PrO at Killah. At kung paano ako niloko ni Mira.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Fresh Blood (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon