Yung ex ko? Siya ba talaga yun?
Eon: Bro, yung kapatid ko...
Naka tulala si Eon at parang di rin siya maka paniwala.
Tax: Anong pinagsasasabi mo? Si mom lang ang nakikita ko.
Parang sabik na sabik naman si Tax.
Sum: Ate, gusto ko nang umuwi...
Si Sum naman, parang gusto nang tumakbo at naiiyak na siya.
Subtract: Kuya! Tumakas na tayo dito!
Aray ko! Bigla akong sinipa ni Subtract sa likod. Dali dali namang siyang tumakbo papunta sa loob.
Tinignan ko ulit yung nasa harap namin. Hindi ko nakikita yung minemention nilang mga tao. Wala na rin yung ex ko... Alam ko na!
"WAG KAYONG PAPASOK! TRAP YAN!"
Nagsimula nang maglakad yung iba. Ano ba yan? Di ba sila nakikinig??
"Eon, Tax, makinig kayo, isa lang ito sa part ng game!" Hawak hawak ko na silang pareho pero parehas silang nagpatuloy sa paglalakad habang ganun pa rin yung reaksiyon nila. Pumunta ako sa harap nila pero... Bakit. Ayaw. Nilang. Tumigil!
"Sum, Subtract, trap yan!" Hinawakan ko naman sila sa mga braso nila pero inalis lang nila yun. Tsk.
Bakit ba kasi sila pumupunta dun? Kaasar! Lahat sila nandun na. Pag di ako sumunod, matatrap ako dito sa kweba. No choice. Kailangan ko ring pumasok.
---
Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko lang alam kung nasaan ako pero nasa madilim akong lugar. Nakaupo ako sa bench. Pakiramdam ko parang may hinihintay ako na hindi mapakali.
Nilibot ko yung paninngin ko. Familiar talaga sa akin yung lugar na ito pero nasaan ba ako?
"Thomas?"
Yung boses na yun.
"Akala ko hindi ka na dadating eh. May importante talaga akong sasabihin sayo. At sana hindi ka masaktan."
Yung ex ko. Sht. Makikipag break na naman yata siya sa akin. Pero naka move on na ako. Bakit ba ako naaapektuhan?
"A-ano yun, Mira?" Nararamdaman ko na parang bumalik nga sa dati. Na bumalik ako dun sa panahon na mahal ko pa siya. Sa panahong masaya ako sa piling niya. Sa panahong mahal namin ang isa't isa.
"I think we should break up. I don't love you anymore. I already have someone else." Parang ganun na lang. Sinabi niya sa akin yun.
"Masaya ka ba sa kanya?" I faked a smile para di niya mahalatang nasasaktan ako.
"Yes. I'm sorry" At iniwan niya akong luhaan at nag iisa.
Sinayang niya yung nine (9) years ng relasyon namin. Para lang sa iba. Grabe. Akala ko naka moved on na ako sa break up namin a year ago. Di pa pala.
Ang sakit... sobrang sakit. Akala ko, pag nakita ko na siya ulit? Maayos na ako. Matapang na akong makakaharap sa kanya. Wala na akong nararamdaman para sa kanya. Pero di pala. Bumalik lahat eh. Halo halong emosyon na yung nararamdaman ko.
"B-bakit mo ako nagawang ipagpalit?" Ang sakit. Mas masakit pa pala ito kesa nung napasok ako dito. Ang bigat na talaga ng dibdib ko. Ang init ng mata ko. At masakit na ang ilong ko.
"Paano na yung mga plinano natin?" Yung mga pinangako mo sakin, pinangako ko sayo, pinangako natin sa isa't isa? Saka diba ikakasal pa tayo? Magkaka anak? Papanoorin nating lumaki ang mga apo natin? Hanggang dun na lang ba?
Sana di na lang kita nakilala. Sakit lang pala ang idudulot mo sa akin eh.
'Mahal na mahal kita, di kita iiwan.' Hindi mo nga ako iniwan. Ipinagpalit mo lang naman ako.
Nakakainis!
BINABASA MO ANG
The Fresh Blood (On Hold)
RandomThis is NOT a vampire story. Date created: September 3, 2016